Entertainment
Kilalanin ang mga Pinakamayayamang Personalidad Ngayong Taong 2021 sa Pilipinas

Sa Pilipinas ay iilang tao lamang ang nagmamay-ari ng mga malalaking negosyo. Sino-sino nga ba sila at ano-ano ang mga malalaking negosyo na kanilang pagmamay-ari.
Ayon sa National Economic and Developent Authority, ang Pilipinas ay nabibilang sa mga pinakamahihirap na bansa. Kung saan upang mamuhay ng komportable ang bawat Pilipino ay kinakailangan 42,000 pesos ang bawat pamilya. Ayon naman sa naging datos ng Philippines Statistics Authority sa 110-milyon na populasyon ng bansa, ay 18-milyon ang namumuhay ng mas mababa sa poverty line o nasa pamilyang kumikita ng 10,700 pesos kada buwan.
Samantala, narito naman ang labing limang personalidad sa Pilipinas na naitala ngayong taong 2021 na pinakamayayaman sa bansa.
15. Roberto Ongpin
Photo credits: google.com
Si Roberto Ongpin ay 84-taong gulang ay may net worth 58-bilyon pesos. Ilan sa kanyang mga pagmamay-aring negosyo ay ang Alphaland corporation, Balisin Island Club, Alphaland Aviation Inc, South Seas Oil and Mineral Exploration Company, Atok Gold Mining Company at Southgate Mall.
14. Consunji Siblings
Photo credits: google.com
Sila ay may total net worth na 63-bilyon pesos. Ang magkakapatid ang nagmana ng negosyo ng kanilang namayapang ama na si David Consunji, kung saan ilan nga sa mga ito ay ang DMCI Homes, Semirara Corporation at DMCI Power Corporation.
13. Vivian Que-Azcona and Siblings
Photo credits: google.com
May total net worth na 65-bilyon pesos. Sila ang mga anak at tagapagmana ng yumaong si Mariano Que ang nagtatag ng pinakamalaking pharmacy sa bansa, at ito nga ay ang Mercury Drug Store.
12. Ty Siblings
Photo credits: google.com
Ang magkakapatid na ito ay may total net worth na 68-bilyon pesos. Sina Athur, Alfred, Anjanette at Alessandra ang tagapagmana ng kanilang yumaong ama na si George Ty, na siya ngang nagmamay-ari ng Metropolitan Bank and Trust Company, Axa Life Insurance Corporation, Toyota Motor Philippines Corporation, at Federal Land Incorporated.
11. Mercedes Gotianun
Photo credits: google.com
Siya ay 93-taong gulang at mayroon ngang total net worth na 73-bilyon pesos. Pagmamay-ari nila ng kanyang yumaong asawa ang FILINVEST Land Inscorporated, Eastwest Bank Incorporation, Festival Mall Alabang at Pacific Holding Sugar Corporation.
10. Lucio and Susan Co
Photo credits: google.com
Sila ay may total net worth na 82-bilyon pesos. Silang mag-asawa ang nagtayo ng supermarket chain na PUREGOLD. Pagmamay-ari rin nila ang S&R Membership Shopping, Office Warehouse, Lawson Convenient Store at Divisoria 999 Shopping Mall.
9. Ramon Ang
Photo credits: google.com
Si Ramon Ang ay 67-taong gulang at may net worth na 102-bilyon pesos. Siya ang nagtayo ng Eagle Cement Corporation at RSA Motors na dealer ng BMW cars at big bikes. Siya din ay park owner at president ng San Miguel Corporation. Kabilang nga sa mga negosyong pagmamay-ari ng San Miguel ay ang San Miguel Food Incorporated, Magnolia Incorporated, Monterey Food Corporation, Purefoods Corporation, San Miguel Brewery Inc, San Miguel Properties Incorporated, Petron Corporation, Bank of Commerce at SMC Infrastracture, na gumawa at namamahala ng SLEX, TPLEX, SKYWAY, at NAIA Espressway.
8. Tony Tan Caktiong
Photo credits: google.com
Siya ay 68-taong gulang at may total net worth na 107-bilyon pesos. Siya ang nagtatag ng Jolibbe Foods Corporation. Siya rin ang nagmamay-ari ng ilan pang mga sikat na restaurant kagaya na lamang ng Chowking, Greenwich Pizza, Red Ribbon, Mang Inasal, The Coffee Bean and Tea Leaf , Burger King Philippine at Panda Express.
7. Andrew Tan
Photo credits: google.com
Siya ay 69-taong gulang at may total net worth na 146-bilyon pesos. Isang Self-made billionaire na nagmamay-ari ng mga negosyo katulad ng Mega World Corporation, McDonalds Philippines, Emperador Incorporated.
6. Lucio Tan
Photo credits: google.com
Walumpu’t anim taong gulang at may total net worth na 150-bilyon pesos. Siya ang nagmamay-ari ng mga negosyo katulad ng Philippine Airlines, Philippine National Bank, University of the East, Asia Brewery Inc, Tanduay Distillers, ETON Properties Philippines, Fortune Tobacco Corporation, Philip Morris International at Victorias Sugar Milling Company.
5. Jaime Zobel De Ayala
Photo credits: google.com
Siya ay 86-taong gulang at may total net worth na 175-bilyon pesos. Ang kanyang yaman ay dahil sa napakaraming negosyo ng kanilang pamilya, kagaya na lamang ng Ayala Malls, Ayala Land Incorporated, ALVEO Land, AVIDA Land, AMAIA Land, BellaVita , Generika, Bank of the Philippine Islands, Globe Telecom Incorporated at Manila Water Company Incorporated.
4. Gokongwei Siblings
Photo credits: google.com
Sila ay may total net worth na 199-bilyon pesos. Sila ang mga anak ng namayapang si John Gokongwei Jr.
Minana nila ang mga negosyo na naiwan ng kanilang ama katulad ng Robinsons Mall, Robinsons Bank, Robinsons Land Corporation, Robinsons Supermarket, Robinsons Appliances, Savers Appliances, Daiso Japan, ToysRUs, HandyMan, MiniStop, TheGenerics Pharmacy, Southstar Drug, JD Summit Petrochemical Corporation, Universal Robina Corporation at Cebu Pacific Air.
3. Enrique Razon Jr.
Photo credits: google.com
Siya ay 61-taong gulang at may total net worth na 232-bilyon pesos. Siya ang nagmamay-ari ng International Container Terminal Services Incorporated na operator ng mga seaports sa Pilipinas at ibang bansa. Sa kanya din ang Solaire Resort and Casino.
2. Manuel Villar
Photo credits: google.com
Pitongpu’t isang taong gulang at may total net worth na 340-bilyon pesos. Isang bilyonaryong galing sa hirap, na ngayon nga ay nagmamayri na ng napakaraming mga negosyo kagaya na lamang ng Vista Mall, Star Mall, Vista Land, Camella Homes, Bria Homes, Lumina Homes, All Home, All Day Supermarket, All Day Convenient Store, Coffee Project at Golden Haven Memorial Park.
1. Sy Siblings
Photo credits: google.com
May total net worth na 674-bilyon pesos. Sila ang mga anak ng namayapang si Henry Sy Sr., at nagmana ng mga negosyo katulad ng SM Malls, The SM Store, SM Hypermarket, Savemore, SM Appliances, Alfamart Convenience Store, BDO Unibank Incorporated, China Banking Corporation, National University, Asia Pacific College, Atlas Consolidated Mining and Development Corporation, ToGo Travels, SMDC (SM Development Corporation), Ace Hardware, Toy Kingdom, Kultura, Sports Central, MiniSou, Watsons Pharmacy, Uniqlo at Forever21.
Talaga namang nakakabilib ang talino at diskarte ng mga negosyanteng ito, kaya naman talagang napakayaman nila.
