Kilalanin ang mga Kilalang Artista sa Mundo ng Showbiz na Magkapamilya Pala Pero Hindi Batid ng Karamihan

Sadyang napakalawak nga ng mundo ng showbiz. Sa dami ng mga kilalang artista sa industriya ay hindi natin alam na ang ilan sa kanila ay magkakamag-anak pala.

Marahil nga, ay iisipin natin na hindi sila magkaanu-ano kung babasehan natin ang kanilang mga mukha dahil ang ilan sa kanila ay hindi naman mababakas ang pagkakahawig. Ngunit, sa katunayan pala nito, ay related sila sa isa’t isa, at nasa iisang angkan lang ang kani-kanilang pamilya.

Ating kilalanin ang mga kilalang artista sa industriya ng showbiz na related pala sa isa’t isa na hindi alam ng marami.

1. Sofie Albert at Kris Aquino

Ang magandang aktres na si Sofie Albert at Queen of All Media na si Kris Aquino ay magkamag-anak pala. Ang daddy kasi ni Sofie at ni Kris ay mag-first cousin kung saan ay apo na ng umanong ina ni Kris na si Cory Aquino ang aktres. Tunay nga na magkamag-anak sila.

2. Mariz Umali at Gab Lagman

Ang news anchor na si Mariz Umali at aktor na si Gab Lagman ay mag-first cousin.

3. Martin del Rosario at Ces Quesada

Matapos ma-feature sa Tunay na Buhay ang kwento ng pamilya ng aktor na si Martin del Rosario at batikang aktres na si Ces Quesada, ay napag-alaman na mag-Auntie pala ang dalawa.

4. Coco Martin at Maine Mendoza

Parehong sikat sa industriya ng showbiz sina Coco Martin at Maine Mendoza. Ngunit maliban rito ay may malalim pa palang ugnayan ang dalawa. Siya pala ay related sa isa’t isa kung saan ayon kay Maine ay distant relative niya si Coco. At nalaman lamang nila ito nang magkasama sa isang reunion sa Bulacan.

Sa katunayan nga nito, ay magkasama ang kani-kanilang pamilya sa isang napakalaking family tree. Bago pa man sila magkasama sa pelikulang Jack Em Popoy, ay nalaman na nila ang kanilang ugnayan sa isa’t isa bilang magkamag-anak.

5. Gretchen Fullido at Marco Gumabao

Ang tatay pala ni Marco Gumabao at Gretchen Fullido ay magkapatid. Isang model at news anchor si Gretchen, samantalang isang mahusay na aktor naman si Marco.

6. Daniel Padilla at Antonio Aquitania

Magkamag-anak rin pala ang sikat na artot na si Daniel Padilla at Antonio Aquitania. Ito nga ay dahil ang nanay ni Daniel na si Karla Estrada at Antonio ay magpinsang buo.

7. Andi Eigenmann at Cherie Gil

Ang dating aktres na si Andi Eigenmann at beteranang aktes na si Cherie Gil ay related rin sa isa’t isa. Tita kasi ni Andi si Cherie dahil ang namayapang ama ni Andi na si Mark Gil Eigenmann ay kapatid ni Cherie Gil.

8. Arjo Atayde at Coleen Garcia

Ang parehong mahuhusay na artista na sina Arjo Atayde at Coleen Garcia ay magkamag-anak pala. Ang dalawa nga ay mag-third cousin. Bagama’t malayong kamag-anak na, ay nasa iisang angkan parin ang kanilang pamilya.

9. Manilyn Reynes at Ara Mina

Hindi batid ng marami na magkamag-anak pala ang sikat na mga aktres na sina Manilyn Reynes at Ara Mina. Sila nga ay magpinan at ito ay minsan nang ibinahagi ni Ara sa kanyang Instagram account.

10. Rhian Ramos at Ronie Henares

Ang aktres na si Rhian Ramos at Ronie Henares ay related sa isa’t isa. Dahik si Ronie ay Tito pala ni Rhian. Kilalang mahusay na komedyante si Ronie na napapanood sa Pepito Manaloto sa GMA Network.

11. Dingdong Dantes at Paul Salas

Pamangkin naman ni Dingdong Dantes ang gwapong aktor na si Paul Salas. Bukod nga sa parehong gwapo, ay pareho ring mahuhusay na aktor ang dalawa.

12. Bruno Gabriel at Sofia Andres

Magpinsan naman sina Bruno Gabriel at Sofia Andres na kung saan ay talagang malapit sa isa’t isa. Ayon nga kay Bruno, ay madalas niyang damayan si Sofia sa tuwing may problema ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *