Kilalanin ang mga Celebrities na nag Time Out muna sa Showbiz, Pero Di Kalaunan ay Bumalik din

Sa kabila ng matagumpay na karera ng mga sikat na artista sa industriya sa showbiz, ay may ilan paring pansamantalang iniwan ang kasikatan upang tuparin ang iba pa nilang pangarap sa buhay. Ang ilan nga ay nagpahinga sa pag-arte upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. May ilan namang mas piniling tuparin ang pangarap sa pagbuo ng sariling pamilya. At ang iba naman ay nanirahan sa ibang bansa. Ngunit, sa kabila nito, ay binalikan parin nila ang buhay sa harap ng camera matapos ang maikling panahon.

1. Kylie Padilla

Namamayagpag ang karera ng aktres na si Kylie Padilla sa fantaserye ng Kapuso Network na Encantadia kung saan gumanap siya bilang Amihan. Ngunit, noong 2016, ay kinumpirma ni Kylie ang kanyang pagbubuntis sa panganay na anak. Dahil dito, ay pinaslang nga ang karakter niya bilang Amihan. Nagpasyang mamahinga sa showbiz si Kylie, kung saan matapos maipanganak si Alas Joaquin, ay umabot pa ng 9 months ang pagkawala niya sa showbiz. At sa muli niyang pagbabalik ay nasilayan ang kanyang comeback performance sa “Lip Sync Battle” kung saan nakatunggali niya ang Encantadia’ sister Sang’gre Alena na si Gabbi Garcia noong May 27, 2018.

2. Megan Young

Matapos makoronahan ang Miss World 2013 na si Megan Young sa Bali, Indonesia ay naging abala na siya para magampanan ang kanyang tungkulin. Dahil dito, ay nanirahan si Megan sa London, United Kingdom at ginugol ang kanyang oras sa paglalakbay sa iba’t ibang dako ng mundo para sa kanyang tungkulin sa organization na Beauty with Purpose Campaign. Sa muli naman niyang pagbabalik sa showbiz, ay mainit ang naging pagtanggap sa kanya ng kanyang home network na GMA bilang si ‘MariMar.’

3. Marian Rivera

Ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, ay pansamantalang iniwan ang matagumpay na karera sa showbiz noon kung saan ay kabilang siya sa Sunday Pinasaya. 37 weeks na ang kanyang tiyan noon sa kanilang panganak na anak ni Dingdong Dantes na si Maria Letizia. At matapos lamang ang tatlong buwan pagkapanganak, ay muli siyang bumalik sa Sunday variety show ng Kapuso Network.

4. Ellen Adarna at John Lloyd Cruz

Matapos magkakilala noong 2016 sa isang sitcom, ang dating magkarelasyon na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, ay iniwan ang showbiz. Nagsama nga ang dalawa sa Ilocos Norte at Cebu, kung saan nagbunga ng isang supling ang kanilang pagmamahalan.

Hindi naman nagtagal ay nagkahiwalay ang dalawa. At ngayon nga, ay balik showbiz na rin sila pareho.

5. Sarah Lahbati

Ang StarStruck V’s’ Ultimate Female Survivor na si Lahbati ang biglang nahinto sa kanyang karera sa showbiz noong 2012 sa Primetime TV series na ‘Indio’. Matapos nga nito, ay lumipad si Sarah sa Switzerland para umano ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. At noong 2014 ay ibinunyag ni Sarah at Richard na may anak na pala sila, ang kanilang panganay na si Zion.

6. Angel Locsin

Ang tinaguriang Darna sa industriya ng showbiz na si Angel Locsin, ay iniwan rin ang minahal na larangan matapos mag-expire ang kanyang kontrata sa GMA sa loob ng limang taon. Nagpahinga muna si Angel sa pag-arte at lumipad patungong London upang tuparin ang pangarap na matapos ang kurso sa fashion design. Sa kanyang pagbabalik sa showbiz, ay pumirma naman siya ng kontrata sa ABS-CBN.

7. Sunshine Dizon

Taong 2010 nang mapangasawa ng aktres na si Sunshine Dizon ang businessman na si Timothy Tan. Dito ay nagpasya na si Sunshine na iwan muna ang showbiz upang pagtuunan ng pansin ang pamilya. Ngunit, matapos ang 6 na taon, ay ibinunyag ni Sunshine ang pagloloko ng kanyang asawa. Dahil dito, ay nagpasya siyang muling bumalik sa showbiz. At ngayon nga, ay abala ang aktres sa kanyang mga showbiz commitments.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *