Kilalanin ang mga artistang namayagpag noon sa mundo ng pag-aartista at tuluyan nang nilisan ang kanilang karera

Dahil sa mga talentong mayroong taglay ang bawat tao, ay hindi natin maikakailang masambit na pwede silang sumikat at pumasok sa mundo ng showbiz.

Ngunit ika nga, kung hindi para sayo kahit anong gawin mo ay hindi mapupunta sayo. Pero sa bawat pagsusumikap at paghihirap ng bawat tao ay nabibigyan ito ng pagkakataon.

Kaya naman marami tayong mga kilalang artista na ating hinangaan dahil sa husay nila sa pag-arte, pagsayaw at higit sa lahat may mga kilala pa tayong mga tanyag na tao na binigyan ng pagkakataong makilala sa ibang bansa at sa buong mundo dahil sa husay nila sa pagkanta.

Talaga namang marami ang humahanga sa angking husay at talento ng bawat Pilipino. Ngunit ika nga, ano mang bagay na iyong pinaghirapan, dugo at pawis ang iyong naging puhunan, kung hindi mo ito pinahalagahan lahat ng ito ay mababalewala lamang.

Ating kilalanin ang mga artistang kilalang-kilala, sumikat at pinagkakaguluhan ng husto noon, ngunit nawalan ng trabaho ngayon.


Photo credits: Mystica | Social Media Acct.

Natatandaan mo pa ba si Mystica o mas kilalang si Ruby Rose Mauanay Villanueva. Siya ang pinakasikat na sexy aktres ng kaniyang kapanahunan.

Dahil sa kaniyang kasikatan ay nakapag-ipon at nakapundar siya ng mga negosyo. Ngunit hindi tumagal ang kaniyang kasikatan at sa halip ay siya pa ang lumapit at nakiusap na sana ay mabigyan siya ng pagkakataong umarte ulit sa programang “FPJ’s: Ang Probinsiyano”.


Photo Credits: Jake Zyrus|Instagram

Sumunod naman ay si Jake Zyrus na lubos nating kilala bilang si Charice Pempengco. Lubos ang kasikatang ipinamalas niya hindi lamang sa ating bansa kundi pati na rin sa buong mundo.


Photo Credits: Jake Zyrus|Instagram

Sa kadahilanang kakaiba at pambihira ang kaniyang angking talento sa pagkanta na talaga namang hinangaan ng mga kilala at batikang mang-aawit sa loob at labas ng bansa.

Dahil dito ay maraming oportunidad ang bumukas sa kaniya na kung saan ay na-interview na siya sa “The Ellen DeGeneres Show”, “The Oprah Winfrey Show” at marami pang iba. Ngunit nasira at bumagsak ang kaniyang kasikatan at pagkakakilanlan ng minsan niyang inamin sa publiko ang tunay niyang katauhan.


Photo Credits: gandanghariBB |Instagram

Naaalala mo pa ba si Rustom Cariño Padilla na ngayon ay kilala na bilang si BB Gandanghari? Na labis ang kasikatan sa kaniyang angking galing sa pag-arte bilang isang kontrabida p bida.


Photo Credits: gandanghariBB |Instagram

Ngunit ginulat ang publiko ng aminin niya ang kaniyang tunay na pagkatao. Siya ang dating asawa ni Carmina Villaroel at kapatid nina Robin, Rommel at Royette Padilla.


Photo Credits: John Wayne Sace |Instagram

Marahil ay kilala at natatandaan mo pa ang isang batikang aktor at mananayaw ng kaniyang henerasyon na si John Wayne Sace.

Marami ang nabihag ng kaniyang angking kagwapuhan. Minsan niya naring makatambal ang dancing floor queen na si Maja Salvador.


Photo Credits: John Wayne Sace |Instagram

Ngunit ang katanyagang taglay ni John Wayne Sace ay kaniyang sinayang at binalewala dahil napabalitang nalulong ito sa bisyo na ngayon ay nagsisimulang muli para sa kaniyang pamilya.

Matuto tayong pahalagahan at ingatan kung ano man ang meron tayo, dahil ano mang bagay na iniingatan at pinahahalagan ay magtatagal at magbibigay sa atin ng kaginhawaan.