Kilalanin ang mga Anak ng Mag-asawang Alfred at Yasmine Vargas na may Taglay na Mala-artistahin Looks

Si Alfredo Paolo Dumlao Vargas III sa tunay na buhay o mas kilala bilang si Alfred Vargas sa industriya ng showbiz ay isang mahusay na aktor noon, at ngayon nga ay isa na siyang public servant.

Matatandaan na isang kilalang aktor si Alfred sa showbiz, at higit na nakilala sa Encantadia sa kanyang pagganap bilang Aquil kung saan nakasama niya sina Sunshine Dizon, Karylle at Diana Zubiri. Ang kanyang husay nga sa pag-arte ay talagang hinangaan at tumatak sa puso’t isipan ng madla.

Photo credits: Alfred Vargas | IG

Ngunit, kalaunan ay nagpasyang lisanin ni Alfred ang showbiz upang magsilbi sa bayan. At kasabay nga nito, ay ang pagkakaroon ng masaya at kontentong buhay ni Alfred sa piling ng kanyang napakagandang asawa na si Yasmine Espiritu Vargas na isang Half Filipino-Italian. Ang kanilang masayang pagsasama ay biniyayaan ng tatlong anak, isang lalaki at dalawang babae. Sila nga ay sina Alexandra Milan na ipinanganak sa Italy, si Aryana Cassandra at ang nag-iisang bunsong lalaki na si Alfredo Cristiano.

Photo credits: Alfred Vargas | IG

Samantala, may nakakakilig na love story naman ang mag-asawang Alfred at Yasmine, dahil ayon sa kwento ni Yasmine ay ultimate crush niya noon pa man si Alfred, at talagang fan siya ng aktor. Sa katunayan nga nito, ay halos mapuno na ni Yasmine ng poster ni Alfred ang kanyang kwarto.

Photo credits: Alfred Vargas | IG

Kwento naman ni Alfred, nang una niyang masilayan si Yasmine, ay na-love at first sight na siya sa kagandahan nito. Nangyari naman ito noong mag-guest siya sa fiesta sa lugar nina Yasmine. At magmula nga noon, ay agad na niligawan ni Alfred si Yasmine na nauwi nga sa pag-iisang dibdib.

Photo credits: Alfred Vargas | IG

Dalawang beses na ikinasal ang mag-asawa, isang seremonya sa simbahan noong 2017, at noong 2010 naman, ay sa pamamagitan ng civil ceremony.

Masayang-masaya naman ang pagsasama ng mag-asawa, lalo na nga’t ang kanilang tatlong anak, ang nagbibigay saya at kulay sa kanilang pamilya. Hindi naman maitatanggi na magaganda at gwapo ang mga anak nina Alfred at Yasmine. Sa mala-artistahing looks nga ng mga ito, ay marami ang nagtatanong kung plano ba ng mag-asawa, na ipasok ang mga ito sa showbiz. Dahil nga, nagmana ng magandang katangian sa mga magulang, ay tiyak na agad na makikilala sa showbiz ang magkakapatid.

Photo credits: Alfred Vargas | IG

Halos isang dekada nang nagsasama sina Alfred at Yasmine, at sa loob ng mahabang panahon, ay pinagtibay at pinatatag na ang kanilang pagsasama. Hindi parin nga nawawala ang kilig sa kanilang relasyon upang mapanatili ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

“Napakaswerte ko sayo. Ang sarap magising tuwing umaga na katabi kita. Ang sarap mong ligawan araw-araw hanggang ngayon at ipagpapatuloy kong ligawan ka kahit maputi na ang buhok natin. Salamat dahil laging oo naman ang sagot mo sa akin. Mahal na mahal kita,”saad ni Alfred.

Madalas namang magbonding ang kanilang pamilya. Makikita nga social media accounts ng mag-asawa, ang mga precious moments ng kanilang pamilya sa mga larawang kanilang ibinabahagi. Agaw pansin naman ang napakagandang si Yasmine, dahil marami ang nagsasabi na malaki ang pagkakahawig nito sa aktres na si Marian Rivera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *