Kilalanin ang mga Pinay Celebrities na ito na Nagsuot ng Bongga at Mamahaling Gown sa Kanilang Kasal na Aabot Haggang 2 Milyong Piso ang Presyo

Pangarap ng bawat bride ang magkaroon ng engrandeng kasal at isuot ang pinakamagandang wedding gown. At para espesyal na araw ng bride kasama ang kanyang groom, sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib ay talagang nais ng bride na maging maganda at magkaroon rin ng napakagandang wedding gown. Kaya naman, gaano man kalayo ang lugar na pupuntahan at gaano man kamahal ang wedding gown ay talagang pinaglalaanan ito ng oras at salapi, maisuot lamang sa dream wedding.

Katulad na lamang ng mga sikat na celebrities sa showbiz na hindi, na hindi biro ang halaga ng mga isinuot na wedding gown sa kanilang kasal. May ilan na nagkakahalaga ng mahigit kalahating milyon, at ang iba naman ay umabot ng dalawang milyong piso ang halaga. Kilalanin ang mga Pinay celebrities na, nagsuot ng gown na base sa kanyang istilo at disenyo, na may nagkakalulang halagang wedding gown sa kanilang kasal.

1. Ruffa Gutierrez

Credits: Image from Google

Ang aktres na si Ruffa Gutierrez ang isa sa may pinakaengrandeng kasal sa mga celebrities sa showbiz. Matapos nga ang muslim wedding sa Turkey, ay nagkaroon ng Christian wedding si Ruffa at kanyang dating asawang si Yilmaz Bektaz noong 2003 sa Manila. At dito ay sadyang napakaganda ni Ruffa sa suot niyang European-inspired wedding gown na obra ni Inno Sotto. Ang nasabing wedding gown rin, ay talagang bumagay kay Ruffa kung saan ay hindi mahahalata ang kanyang baby bump. Samantala, hindi man ibinunyag ang halaga ng gown, ayon sa ilang ulat ay nagkakahalaga ito ng mahigit kalahating milyon.

2. Georgina Wilson

Credits: Image from Google

Sadyang napakaganda rin ni Georgina Wilson sa kanyang wedding gown noong ikinasal sila ng kanyang asawang si Arthur Burnand noong April 30, 2016. Ang suot na wedding gown ni Georgina ay disenyo ni Monique Lhuiller na mula sa premier designer fashion’s fall 2015 collection na The Elizabeth. Ang napakagandang beaded gown na may disenyong tonal rose gold ay regalo kay Georgina ng celebrity doctor na si Vicki Belo at ito ay may nagkakahalaga ng P774, 345.

3. Heart Evangelista

Credits: Image from Google

Nasaksihan ng publiko ang engrandeng kasal ng aktres na si Heart Evangelista at Chiz Escudero na naganap sa Balesin Island Club noong February 15, 2015 . Hindi naman maikakaila na lutang na lutang ang kagandahan ni Heart sa suot niyang wedding gown. Ang napakagandang gown ay likha ng mahusay na Dubai-based Filipino designer na si Ezra na nagkakahalaga ng P1,078,246. Bago mabuo ang napakagandang gown ni Heart para sa kanilang kasal, ay gumugol ng anim na buwan si Ezra para matapos ito.

Ito ay may mahigit 70,000 ng iba’t ibang variety at sizes ng Swarovski elements. Gumamit naman si Ezra ng French lace para sa lining at tulle fabric naman para sa top. Mas lalo naman itong pinaganda ng Baroque lace embroidered with French sequins.

4. Marian Rivera

Credits: Image from Google

Ang hindi makakalimutang Royal Wedding sa bansa nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay talaga namang hinangaan ng publiko na naganap noong December 30, 2014. Magmistulang isang real-life princess si Marian sa kanyang kagandahan habang suot ang napakaganda niyang wedding gown. Naglakad sa aisle si Marian suot ang likhang wedding gown ni Michael Cinco.

Credits: Image from Google

Ito ay isang off-shoulder eru-colored gown na may disenyong French lace, na pinaganda Swarovski crystal, at pinalitaw ang magandang hubog ng katawan. May ball skirt rin ito at cathedral train. Ang mala-prinsenang gown na ito ni Marian ay nagkakahalaga ng P2 million.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *