Dalagang Dalaga Na Ngayon At Talagang Napaka Ganda Ang Dating Napaka Cute Na Childstar Na Si Alyanna Angeles

Ang Kapamilya Child Star na si Alyanna Angeles, na pamangkin rin ni Angel Locsin ay isa nang napakagandang dilag ngayon. Silipin natin ang kanyang pagbabago ngayon.


Photo Credits: Alyanna Angeles | Instagram

Si Alyanna Angeles ay kilalang child star noon na may taglay na maganda at maamong mukha na bagay na bagay sa kanya bilang isang artista. Siya rin ay pamangkin ng Drama Actress na si Angel Locsin na talagang namana ang kagandahan ng kanyang Tita Angel.


Photo Credits: Alyanna Angeles | Instagram

 




Nakilala rin siya nang gumanap ng karakter bilang batang Kim Chui sa teleserye ng ABS-CBN na “Ikaw Lamang” at “The Story Of Us” kung saan naging katambalan niya naman si Zaijan Jaranilla.


Photo Credits: Alyanna Angeles | Instagram




Hindi mo aakalaing ang batang nakilala noon ay lalaking napakagandang dalaga ngayon. Hindi maitatanggi na handang-handa na siyang pasokin ang industriya ng showbiz para sa mga bagong role na kanyang maaaring gampanan.


Photo Credits: Alyanna Angeles | Instagram

Marami rin ang nagsasabi na ang isang babaeng katulad niyang biniyayaan ng magandang mukha ay maaaring maging isang beauty queen ng ating bansa.




Nagsimula si Alyanna sa showbiz noong taong 2011 kung saan gumanap siya bilang Andrea “Andi” H. Dela Vega sa remake Mexican teleserte na Maria La Del Barrio sa Pilipinas.


Photo Credits: Alyanna Angeles | Instagram

Naging isa rin siya sa mga cast ng superhero teleserye na Juan Dela Cruz kung saan gumanap siya bilang batang Rosario Galang na siyang iniibig ni Coco Martin noong 2013.


Photo Credits: Alyanna Angeles | Instagram

Ang napakagandang dilag na si Alyanna ay napanood rin sa “My Little Juan”, “Wansapanataym” at maging sa mga episodes ng “Maalala Mo Kaya”.


Photo Credits: Alyanna Angeles | Instagram

Bagamat hindi gaanong aktibo ang karera ng dalaga sa industriya ng showbiz ngayon, marami parin ang humahanga sa kanya kung saan mayroon siyang 100,000 followers sa kanyang Instagram account.





Photo Credits: Alyanna Angeles | Instagram


Photo Credits: Alyanna Angeles | Instagram

Talaga namang namangha sa kanya ang mga netizens dahil sa nasaksihang pagbabago niya mula sa isang nakapacute at talented childstar noon na naging isang napakaganda at kahanga-hangang dilag ngayon. Hindi maikakaila na marami ang nag-aabang sa kanyang pagbabalik sa showbiz na talagang hahangaan ng nakararami.