Isang napakahalagang bagay sa ating buhay ang makapagtapos ng pag-aaral. Ito ang tanging tagumpay na habang-buhay nating panghahawakan. Sa pag-aaral kinakailangan ang pagsisikap at pagtitiyaga upang makamit ang minimithing tagumpay. Ito ang ipinakita na 12 taong gulang na batang ito, na makakapagtapos ng pag-aaral sa high school at kolehiyo ng sabay sa parehong linggo lamang gaganapin.

Credits: Google Image
Kilalanin natin si Mike Wimmer, siya ay 12 taong gulang na mula pa sa North Carolina. Ang batang ito ay nakakamanghang makakapagtapos na ng kanyang pag-aaral sa sekondarya sa darating na May 28, 2021 at sa kolehiyo naman ay ngayong darating na May 21, 2021. Isang masipag at matiyagang estudyante si Wimmer, dahil ginamit niya ang pagkakataon ng pandemiya upang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral hanggang sa maabot niya ang kolehiyo.

Credits: Google Image
Natapos ni Wimmer ang kanyang high school at ang kanyang kolehiyo na may associate degree sa loob lamang ng isang taon. At siya magtatapos na ng kanyang pag-aaral mula sa Concord Academy High School kung saan siya ay valedictorian at sa Rowan-Cabarrus Community College para naman sa kanyang kolehiyo.
Ngunit ayon kay Wimmer, hindi naman raw niya ito naging plano. Kumuha siya ng dual enrollment at mabilis niya itong natapos. Dagdag pa niya, napagtanto raw niya na mabilis siyang nakakatapos kaya kumuha na lamang siya ng iilang mga klase upang makuha niya ang associate’s degree sa kanyang pagtatapos sa high school. Sinabi pa ng batang si Wimmer na ang kanyang GPA sa high school ay 5.45, habang ang kanya namang GPA sa kolehiyo ay 4.0.

Credits: Google Image
Sa kabila ng kanyang pagiging mas bata niya kaysa sa kanyang mga kaklase, nakikisama pa rin naman raw siya mga ito at naitalaga pa siyang Homecoming Court noong nakaraang taon lamang. Si Wimmer, ay mahilig talaga sa mga robotics, kung saan tinagurian pa nga siyang “math and science guy.” Noong siya ay halos 1 taon pa lamang mahigit, ay nagkaroon na siya ng sarili niyang iPad at sa kanyang edad tila nagtataka na siya kung paano ito gamitin.
Ayon naman sa Next Era Innovations, natutunan na raw ni Wimmer ang lahat ng tungkol sa programming at robotic knowledge sa pamamagitan ng trial and error at mga online videos. Gumawa si Wimmer ng sarili niyang startup at ito ay tinawag niyang Reflect Social.

Credits: Google Image
“Combines popular social media platforms with Internet of Things (IoT) devices, providing a new dynamic social experience,” dagdag pa ng website na ito.
Ang tanging layunin nito ay kung paano makakatulong ang teknolohiya sa buhay ng bawat isa. “My entrepreneurial goal is to build technology that enables people to live better lives,” saad pa ni Wimmer.

Credits: Google Image
Sinabi pa ng mga magulang ni Wimmer, na ipinagmamalaki nila ang kanilang anak, “If one door’s locked, he’ll find out another way around to figure out how to accomplish his goals,” ayon pa sa kanyang ina.
Sa malapit na pagtatapos ni Wimmer, sinabi niya ang kanyang mga susunod na mga pagpipilian na plano sa buhay. Kasama na rito ang mga alok na trabaho sa kanya sa loob at labas ng kanilang bansa, mas maraming pagkakataon na mag-aral pa uli at o ang pakikipag-ugnayan niya sa mga taong magpapahintulot sa kanya na palaguin ang kanyang startup. Ngunit para sa kanya, isa pa rin siyang normal na bata na may oras para sa mga aktibidad na ginagawa ng isang bata katulad na lamang ng paglalaro ng basketball at pagbuo ng mga lego.
“A lot of people think I’ve given up my childhood or somehow lost it,” saad ni Wimmer. “and I say to them that I’m having the time of my life.”