Ipinasilip ni Yassi Pressman ang Ilan sa Bahagi ng Kanyang Bahay na kanyang pina Make-Over na Ngayon ay Napaka Cozy na Tignan

Karaniwan na sa bawat tahanan na pinapaganda ang loob ng bahay sa tuwing sasapit ang kapaskuhan. Ito ang ginagawang pagbabago upang maging maaliwalas ang loob ng tahanan sa pagdiriwang ng kapaskuhan. Kahit ang mga celebrity ay nagbibigay ng oras sa kanilang “holiday make-over” para mas masaya ang kanilang Christmas holiday.

Kagaya na lamang ng aktres na si Yassi Pressman, ang ginawa niyang make-over sa kaniyang bahay ay naging inspirasyon ng marami dahil sa napaka-cozy nitong tingnan, at ibinahagi ng aktres ang loob ng kaniyang tahanan sa kaniya mismong Instagram.

Photo credits: Yassi Pressman | IG

Unang ipakita rito ang kalagitnaan ng loob ng kaniyang bahay, kung saan naroon ang kaniyang sofa. Ito ay napapaligiran ng mga malalambot na carpet at mga throw pillows na may iba’t ibang ang pagkakayari.

Photo credits: Yassi Pressman | IG

Makikita rin dito ang kaniyang dalawang coffee table na kaniyang pinalamutian ng kandila, fashion books at magazine kung saan siya rin mismo ang cover nito, na may kasamang dried flower arrangement na masarap sa pakiramdam kapag tinititigan. Mayroon ring siyang inilagay na snake plant na halaman kung saan katabi ito ng kaniyang coffee table. Tila mapapansin ang pagiging isang plantita rin ng aktres.

Photo credits: Yassi Pressman | IG

Makikita rin dito ang kaniya pang isang wooden table, na nasa tabi lamang ng kaniyang sofa na punong-puno ito ng mga magagandang vase at mga larawan. Narito rin nakadisplay ang kaniyang chessboard kung saan madalas niya itong laruin.

Photo credits: Yassi Pressman | IG

Sa sulok naman ng kaniyang bahay makikita ang kaniyang shelves na may nakalagay na iba’t ibang mga gamit.

Photo credits: Yassi Pressman | IG

Sa bandang ibaba naman nito, mapapansin ang kaniyang bookshelves na nakalagay lamang sa sahig na may kasamang flower vase na may halaman. Samantala, ang lugar naman na ito ay may varnished rustic wooden shelves na may iba’t ibang hugis ng mga flower vase na gawa sa metal at porselana.

Photo credits: Yassi Pressman | IG

Talagang napakaganda ng pagkaka ayos ng bahay ni Yassi kung saan mas lalo pa itong naging sosyal tignan.

Photo credits: Yassi Pressman | IG

Ang mga larawang ito ay ibinahagi ni Yassi sa kanyang Instagram Account kung saan may caption na,

“Came home to a genie who made my home wishes come true!
Thank you @TheNestGenie for making my living room even more cozy!!!
Sharing with you guys some of my favorite pieces that I got on TheNestGenie.Com “

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *