Ipinapatayong Dream House ng Aktres at TV Host na si Maine Mendoza Ipinasilip, Disenyo ng Kanyang Bahay Sobrang Ganda

Ang pagtupad ng pangarap ay hindi madaling makamit dahil katumbas ng bawat pangarap ay sipag, tiyaga at determinasyon para maisakatuparan ito. Ang ating mga pangarap ay talagang pinagsisikapang makamit, gaano man kahirap.

Credits: Maine Mendoza | Instagram

At kapag nakamit na nga ito, ay tiyak na walang katumbas na kaligayahan ang madarama. Lahat naman talaga ay gagawin matupad lamang ang pangarap na inaasam. Hindi naman ito mangyayari, kung hindi ilalagay sa tama ang perang pinagpaguran at pinaghirapan. Kung kinakailangan ngang maging praktikal sa araw-araw, para lamang makapag-ipon para sa darating na bukas, ay gagawin.

Napakahalaga naman talaga na ingatan at ilagay sa tama ang bawat salapi na bunga ng pawis at dugo upang mailaan sa inaasam na pangarap.

Credits: Image from Google

Marami na tayong nasaksihang kwento ng mga celebrities na dahil sa kanilang pagsisikap,tiyaga at tamang paghawak ng pera ay natupad ang pangarap. Katulad na lamang nga ng aktres at TV host na si Maine Mendoza na tinupad ang maitayo ang kanyang dream house sa edad na 23.

Inilaan ni Maine sa tama ang perang kanyang kinikita, kung saan ay ipinagkatiwala niya sa kanyang ina na si Mommy Mary Ann na isang accountant. Isa rin sa sikreto ni Maine sa paghawak ng pera ay ang pagtitipid.

Credits: Maine Mendoza | Instagram

“Mom ko talaga because she’s an accountant, and I trust her with my money.”

Ngayon nga, ay isa na si Maine sa pinakamatagumpay na personalidad sa industriya ng showbiz. Ang kanyang karera ay namamayagpag bilang endorser ng mga kilalang produkto, at bilang isang mahusay na aktres at TV host.

Matatandaan na noong taong 2018, sa isang panayam ay ibinahagi ni Maine na sinimulan na niyang ipatayo ang kanyang dream house. Sa nasabing panayam ay nagbigay ng ilang detalye si Maine tungkol sa kanyang ipinapagawang bahay. Ito ay isang modernong bahay na may dalawang palapag na sadyang napakaganda ng disenyo.

“For now, wala pa kasi graba pa lang siya—graba. Graba pa lang siya, e.”
“Lobby pa lang, pasabog na!”

“Modern po. May pool, merong movie room, merong garden.”

Credits: Image from Google

At noong nakaraang Oktubre 2020 nga, ay sinabi ni Maine nang makapanayam sa 24 Oras, na balak na niyang lumipat sa kanyang bagong bahay.

“Ngayon, ang nilu-look forward ko na lang sa December ay hopefully maka-move in na ako dun sa bahay na pinapagawa ko na hindi ko alam kung kailan magagawa.”

Nakilala at sumikat si Maine sa isang segment ng noontime show na Eat Bulaga kung saan naging on-screen partner niya si Alden Richards.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *