Ibinibentang Mansyon ni Manny Pacquiao sa Forbes Park, Mas Mura na Matapos Bawasan ng 1 Billion ang Orihinal na Presyo

Ang binansagang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, ay kilala nga bilang isa sa pinakamayamang personalidad sa bansa. Wala nga itong duda sa dami ng kanyang mga ari-arian, mapa-negosyo man, sasakyan, at magarbong bahay.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

At isa sa bahay na pagmamay-ari ni Pacman, ay ang bahay sa Forbes Park kung saan nga ayon sa ulat ay noong Pebrero 2020 nang mapagpasyahang ibenta.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Dahil nga, ang nasabing bahay ay may nakakalulang halaga, kaya naman, kahit lumipas na ang halos siyam na buwan, ay wala paring bumibili rito. At ngayon nga, ay binabaan na ng halos kalahati ang orihinal na presyo nito.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | IG

Ang nasabing mansyon ay inilarawan bilang Zen Inspired Luxury Mansion’. At ito nga ay dating nakalista sa ilang real estate at may iba-ibang asking price na talaga namang hindi basta basta ang presyo. Mula sa tumataginting na P2-B; P1.8-B, hanggang sa pinakamurang presyo na P1.5-B sa ‘Presello’.

Photo credits: Presello

Sa ulat naman ng Philstar columnist na si Victor Agustin ng ‘Money-Go-Round’, ay binawasan na nga ang presyo nito ng 50 porsyento dahil walang bumibili. At ngayon nga ay nasa $21.5-M o katumbas ng halos P1.035-B na lamang. Ito ay ayon kay Agustin, at ito nga ang pinakahuling asking price na nailathala sa James Edition.

Photo credits: James Edition

Samantala, ibinahagi naman ng kolumnista ang nakasaad na presyo ng mansiyon sa website at pati na rin bawat parte nito ay ibinigay na rin niya ang detalye.

“The 5-bedroom, 5-bathroom, 10-car garage house along Cambridge Circle was first listed in early February 2020 just before the first lockdown for P2 billion, then relisted three months later in another website for P1.5 billion, before being migrated to Lamudi with the two higher price tags,” ayon sa kolumnista.

Photo credits: Presello

Kahanga-hanga naman ang lawak ng lote ng nasabing mansiyon. At ito nga may kabuuang lawak na 2,000 square meters. Ang kinatatayuan naman ng bahay ay may floor area na 1,525 square meters. Sadyang napakalawak naman talaga nito kung saan ay mayroong 5 bedrooms, 7 bathrooms at 4 na carpark.

Photo credits: Presello

Idinisenyo naman ng mahusay na architect na si Architect Anton R. Mendoza at Budji+Royal Designs ang interior design nito ng mansiyon. Napakaganda nga nito dahil mayroon rin itong swimming pool, barbecue area, lush garden, product showroom, personal lift, home theater, bar, lanai, indoor courtyard at utility area.

Photo credits: Presello

Taong 2011 naman nang mabili ni Manny sa halagang P388-M ang mansiyon mula sa negosyante at banker na si Lorenzo Tan. Ito ang mga panahong nasa kasagsagan pa ang kanyang boxing career. Habang hinihintay namang mabenta ang bahay sa Forbes Park, sa ngayon ay nakatira ang pamilya Pacquiao sa nirerentahang bahay sa Dasmariñas Village.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *