“I worked hard, I sweat, I cried a lot of tears”, Rabiya Mateo Handang Gagawin ang Lahat ng Makakaya Masungkit lang ang Korona

Palapit na nga ng palapit ang Miss Universe 2020 Grand Coronation Night, at hind inga maiwasan ng pambato ng Pilipinas na si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang makaramdam ng pressure sa nalalapit niyang pag-rampa sa nasabing prestihiyosong beauty pageant.

Ngunit kahit nga nakakaramdam ng pressure si Rabiya, ay hindi umano siya papayag na magpalunod dito, bagkus ay ito ang gagawin niyang motibasyon para mas lalong lumakas ang kanyang loob sa bagong laban na kahaharapin niya para sa karangalan ng ating bansa.

“Definitely. I know every Miss Philippines has been in this position and I would always remind myself that this is an opportunity for me to show who I am as Rabiya and not as a copycat of somebody else”, ang naging pahayag ni Rabiya sa isang online event ng matanong nga siya patungkol sa kanyang nadaramang pressure.

Photo credits: Rabiya Mateo | IG

Dagdag pa nga ng pambato ng ating bansa sa Miss Universe 2020 pageant, ay gusto niya talagang manalo at maiuwi ang korona at titulo ng Miss U sa Pilipinas.

“I wouldn’t allow myself to be into a mold of somebody who is not me. And the pressure is there simply because Philippines is a pageant-loving country and we really want to win. I want to win, you know, I want to make all you proud.”

Photo credits: Rabiya Mateo | IG

Pahayag pa ni Rabiya, anuman ang kahihinatnan ng kanyang magiging pagrampa sa Miss Universe 2020, ay alam niyang ‘yon na ang nakatadhana sa kanya. Basta’t alam niya sa sarili niya na ibibigay niya ang lahat ng kanyang makakayanan para lamang magwagi sa nasabing pageant.

Ibinahagi rin niya kung ano ang mga pinagdaanan niya para lamang maging phenomenal woman na magiging representante nga ng ating bansa sa gaganaping Miss Universe 2020.

“I worked hard. I sweat, I cried a lot of tears just to be phenomenal woman that I can be to represent our country”,

ang naging saad ni Rabiya.

Photo credits: Rabiya Mateo | IG

Ayon pa nga sa ating pambato sa Miss U, kahit nga nakakaramdam na siya ngayon ng pressure ay iniisip niyang i-enjoy ang journey na ito ng kanyang buhay at maging competitive.

Samantala, nang maitanong naman sa kanya kung kamusta ang ginagawa niyang preparasyon para sa papalapit na pageant, ay sinabi nga ni Rabiya na talagang ginagawa niya ang lahat ng mga preparasyon na dapat pinaghahandaan para mas maging karapatdapat siya bilang Miss U. Dagdag pa nga niya, sa ngayon ay nasa Amerika na siya, at dumating siya doon noong ika-9 ng Abril.

Pinasalamatan rin nga niya sa panayam na ito, ang kanyang glam team na walang sawang tumutulong sa kanya para muling masungkit ng Pilipinas ang korona at titulo ng Miss Universe 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *