Gerald Anderson, Inilarawan si Julia bilang isang “Fuel” o Gasolina na Nagbibigay Lakas sakanya para Patuloy na Lumaban sa Buhay

Ang aktor na si Gerald Anderson ay isa nga sa itinuturing na heartthrob sa industriya ng showbiz. Hindi naman ito nakapagtataka dahil sadyang taglay na ni Gerald ang magandang katangian na hinahanap ng mga kababaihan sa isang lalaki.

Sa kanyang gwapong mukha at makisig na katawan, ay maraming nahuhumaling. Bukod nga rito, ay napakahusay rin ni Gerald pagdating sa pag-arte na talagang ipinapamalas ang kanyang talento. Dahil nga sa husay ni Gerald bilang isang aktor, ay bumuhos rin ang proyekto sa kanyang karera kung saan ay ilang ulit ring pinarangalan.

Samantala, sa kabila ng matagumpay na karera ni Gerald sa showbiz, ay marami rin siyang kontrobersyal na kinasangkutan. Dahil nga, taglay ang magandang katangian, ay marami sa kanyang mga nakakatambalan sa pelikula o teleserye ang kanyang nakakarelasyon. Ngunit, matapos lamang ang ilang buwan ay humahantong ito sa hiwalayan.

Minsan na ngang naging usap-usapan ang aktor matapos umano nitong pagsabayin ang dalawang mahuhusay na aktres. Hanggang sa magkaroon na nga ng hidwaan ang dalawang aktres dahil kay Gerald.

Matatandaan naman na huling nakarelasyon ni Gerald ang aktres na si Bea Alonzo, bago pa man dumating sa buhay niya ang kasalukuyang nobya na si Julia Barretto. Ngunit, muli na namang nasangkot sa kontrobersya ang pangalan ni Gerald. Ito nga ay matapos ibunyag ni Bea ang kanyang karanasan nang maging karelasyon nito ang aktor. Sa halip kasi na ayusin ang anumang gusot sa kanilang relasyon, ay niligawan na nito ang leading lady na si Julia.

Sa kabila ng maraming espekulasyon, ay hindi umamin noong una sina Gerald at Julia sa tunay na estado ng kanilang relasyon, bagkus ay mariin itong itinanggi at sinabi na magkaibigan lamang sila at propesyunal lang pagdating sa trabaho.

Hanggang sa dumating na nga na mismong ang tadhana na ang nagtakda na ilantad ang tunay na namamagitan sa kanila. At ngayon nga, ay opisyal na ang kanilang relasyon kung saan ay masaya at proud sa kung anong meron sila ngayon.

Kamakailan nga, sa panayam ng TV host na si Toni Gonzaga kay Gerald sa programang “I Fell U”, ay napag-usapan ang makulay na buhay pag-ibig ngayon ng aktor. Isa nga sa mga katanungan, ay kung anong klaseng pag-ibig ang naibibigay sa kanya ng kasintahang si Julia.

“Oh, wow, unconditional.”

Ito nga ang mabilis na sagot ni Gerald sa tanong. At ayon pa sa aktor, ay si Julia umano ang isa sa mga taong lubos niyang pinagkakatiwalaan dahil kahit na anuman ang mangyari at hindi siya nito iiwan at mananatili ito sa kanyang tabi.

Tila napakalaking parte naman ng buhay ni Gerald si Julia, dahil inilarawan ng aktor ang kanyang nobya, na isang “fuel”, kung siya ay isang barko. Ito nga ay dahil si Julia umano ang dahilan at nagbibigay sa kanya ng lakas upang ipagpatuloy na labanan ang bawat hamon sa kanyang buhay.