Ellen Adarna, Nakipag Bonding sa Anak na si Elias sa Beach, Ibinahagi ang Buhay Bilang Isang Ina ‘Mum Lyf but awra is also important’

Ang seksi actress na si Ellen Adarna sinusulit ang masayang bonding nila ng kanyang anak na si Elias. Matapos ngang mapabalita ang pagkakaroon niya ng anak sa aktor na si John Lloyd Cruz, sumunod rin naman ang nangyaring hiwalayan nilang dalawa. Kaya naman ngayon, ay mag-isa na lamang na itinataguyod ni Ellen ang kaniyang anak.

Ibinahagi ni Ellen sa kaniyang Instagram, ang kanilang larawan ng kanyang anak, kitang-kita sa larawan na napanatili niya pa rin ang ganda at postura ng kanyang katawan kahit na isa na siyang ina.

Makikita rito ang mga larawan at ilang mga clips kung saan makikita na masayang nagpo-pose si Ellen at naglalaro naman ang kanyang anak. Hindi maikakaila ang closeness ng mag-ina sa isa’t-isa at kahit naka-duty ang aktres bilang isang mommy hindi niya pa rin nakakaligtaan ang umawra sa kanyang mga larawan. Sa pinost na larawan ng aktres, mukhang nag-eenjoy ang kanyang anak sa pakikipag-kulitan nito sa kanya sa beach.

Ginagawa ng aktres ang lahat upang mapasaya lamang ang kanyang anak kahit na hindi madali para kay Ellen ang pagiging isang single mom. Samantala ang aktor naman si Derek Ramsey, ay nagkomento sa isang hiwalay na post ni Ellen, dito sinabi ni Derek na ganun ang hitsura ng aktres sa tuwing naghihintay ito sa kanyang pag-uwi.

“This is what you look like pala when you are waiting for me to come home,” aniya ng aktor.


Matatandaan kamakailan lamang na-engage ang dalawa, kaya naman kitang-kita sa kanila na masaya silang magkasama. Isang buwan lamang naging magkasintahan ang dalawa nang magpropose si Derek at agad namang pumayag si Ellen.

Makikita naman sa isang post ni Derek noong March 32, 2021, ang kanilang sweetness sa isa’t-isa at dagdag pa ng aktor na hindi na maitatangi ang chemistry na meron sila.

“Since the day we first met @maria.elena.adarna the chemistry between us has been undeniable, it’s so strong that I have to catch my breath at times. I’ve always said that love is intangible, something you can’t see or touch…but now I believe otherwise,”

Dito ipinahayag rin ni Derek, kung gaano niya kamahal si Ellen at labis pa itong nagpasalamat sa naging pangtanggap sa kanya ng aktres.

“The chemistry between us that has left me reeling at times has made me see, feel, and grasp this unexplainably deep love I now have. When I look at you I see the love and when I touch you I embrace love. Last night we were surrounded by so much love. I am honored and grateful that you said YES BUT most of all Thank you for loving me and allowing me to love you.”

Hands-on mom ngayon ang aktres at tila wala pa siyang balak sumabak uli sa mga pelikula.