Dimples Romana, ibinahagi ang Pangarap ng kaniyang anak na si Callie na maging isang Piloto at Beauty Queen

Ang aktres na si Dimples Romana ay isa sa mga namayagpag sa tv series na “Kadenang Ginto”. Bukod sa kaniyang pagiging isang mahusay na aktres isa rin siyang butihing ina sa kaniyang mga anak.
Kamakailan lamang, ibinahagi ni Dimples kung ano ang pangarap ng kaniyang panganay na anak na si Callie. Ayon sa aktres, pangarap umano ng kaniyang anak ang maging isang piloto at beauty queen.

Ang aktres ay mayroong dalawang malambing at mapagmahal na mga anak sa kaniyang asawa na si Boyet Ahmee, ito ay sina Callie ang kanyang panganay na isa na ring dalaga, at ang kaniyang bunsong anak na si Alonzo na 4 taong gulang.

Photo credits: Dimples Romana | IG

Ikinuwento rin ni Dimples, na ang kaniyang asawa ay nagsisimula nang magkaroon ng problema sa kanilang anak na si Callie dahil sa pagkakaroon na umano nito ng mga manliligaw. Si Callie ay 15 taong gulang, at nakikitaan na ito ng kagandahan na namana niya sa kaniyang ina. Kaya naman hindi maiwasang mag-alala ang kaniyang asawa sa pagdadalaga ng kanilang anak.

“Alam mo, wala akong problema. Yung daddy niya, siyempre babae kasi ito so may mga manliligaw na”, sabi pa ng aktres.

“Akala ko nga sa cartoons lang nangyayaring may lumalabas na usok sa tenga, pwede pala yon in real life, ha, kasi pagtingin ko sa asawa ko may lumalabas na… Kasi si Callie, siyempre long-legged, ang ganda niya, eh, very Filipina beauty siya”.

Ayon pa kay Dimples, hindi raw pinangarap ng kaniyang anak ang maging isang artista, ang gusto raw ni Callie ay maging isang beauty queen.

“Actually, kinausap ko si ‘Jonas (Gaffud), sabi ko, ‘Jonas, gustong mag-beauty queen ni Callie’, so kung anong gusto. Ako naman, kita mo di siya nag-artista, kasi kung ako, kung ano ang gusto ng mga anak ko do’n tayo. Do’n tayo sa masaya sila”, dagdag pa ng aktres.

Ibinahagi rin ni Dimples, na gusto rin ni Callie na maging isang piloto bukod sa kagustuhan nito na maging isang beauty queen. Ang gustong kunin ni Callie ay biochemistry tapos saka siya kukuha ng kursong aviation, dahil ang pinakagusto raw niyang subject ay chemistry kaya naman gusto niya rin talagang mag-piloto.

Sabi pa ni Dimples, minsan na rin daw siyang naging sumali sa mga beauty pageant at naging isang beauty queen kung saan nanalo siya bilang Binibining Parañaque. Naalala pa niya noon, na ang kaniyang ina ang may gustong sumasali siya sa mga pageant.

“Si Mama gustong mag-beauty queen ako, pero pinagbigyan ko siya sa Binibining Parañaque kasi sabi ng nanay ko no’n kapag nanalo daw ako do’n, P150k ang cash, hati daw kami. So alam mong ginawa ko? Sumali ako, eh, nanalo ako, so bago ko binigay yung envelop sa nanay ko hati na- may 75 thousand ako. Ha-ha-ha”, aniya pa.

Photo credits: Dimples Romana | IG

Minsan na ring naitanong sa aktres kung istrikto ba siya sa pagkakaroon ng mga manliligaw ng kaniyang anak, sagot naman niya ay hindi. Ang kaniyang asawa lamang ang istrikto sa mga ganung klaseng bagay.

“Naku hindi, Ang daddy ang istrikto”, wika pa ni Dimples.

Dagdag pa niya, tinuturuan ng kaniyang asawa na matutong humawak ng baril si Callie para sa self-defense nito. Dinadala ng kaniyang asawa si Callie sa mga target shooting kung saan siya natutong bumaril sa mga firing range.

“Pinagalitan ko nga si Boy, sabi ko, baka naman hindi ako magka-apo niyan. Gusto kong magkaroon ng… so I was telling Callie na, ‘Baka puwede naman na mga 24, 25, mag-asawa ka na,’ para yung apo ko ay ma-enjoy ko,”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *