Connect with us

Entertainment

Dating Co-host ng Eat Bulaga na si Ruby Rodriguez, Nagtatrabaho na Ngayon Bilang Office Girl sa Los Angeles, California

Tuluyan nang iniwan ng aktres at TV host na si Ruby Rodriguez ang longest running noontime show na Eat Bulaga, na mapapanood sa GMA. Maliban sa Eat Bulaga, ay napapanood rin si Ruby sa teleseryeng Owe My Love bilang Nanay Coring, ngunit tinapos lang rin ng aktres ang lock in taping noong nakaraang buwan ng March. Tinapos lang rin ni Ruby ang kanyang full vaccination laban sa COVID-19 noong Mother’s Day.

At nito lamang ika-24 ng Mayo ay ginulat ni Ruby ang madla matapos ibahagi na siya ngayo’y nasa ibang bansa na bilang isang simpleng manggagawa. Sa ngayon nga, ay masaya na si Ruby sa kanyang trabaho sa Los Angeles, California bilang isang office girl.

Sa Instagram, masayang ibinahagi ni Ruby ang kuha ng kanyang larawan sa loob ng opisinang kanyang pinagtatrabahuan.

“First day of new normal for moi,”caption ni Ruby sa kanyang post.

Photo credits: Ruby Rodriguez | IG

Nilakipan naman niya ito ng hashtags na #workinggirl at #subwayislife. Base naman sa post ni Ruby ay makikita na naka-checked in siya sa Philippine Consulate General sa Los Angeles.

Photo credits: Ruby Rodriguez | IG

Samantala, maliban sa bagong trabaho ni Ruby, ay masaya rin siya dahil kasama na niya ang kanyang anak na si Toni Aquino sa US. At ngayon nga, na nasa abroad na siya ay naglaan siya ng oras upang ikotin at kabisaduhin ang bawat sulok ng California. Hindi rin nawala sa isip ni Ruby ang magkaroon ng oras sa kanyang mga kaibigan at mga kamag-anak upang maka-bonding ang mga ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruby Rodriguez (@rodriguezruby)

Makikita naman sa isang Instagram post ni Ruby, na naghahanda siya sa bagong buhay niya sa US bilang office girl. Hindi man nagbigay ng kompletong detalye si Ruby tungkol sa kanyang bagong trabaho, ay makikita naman na masaya at nag-eenjoy siya sa kanyang bagong buhay sa abroad.

Photo credits: Ruby Rodriguez | IG

Marami naman sa mga netizens ang natuwa at nagpaabot ng pagbati sa ginawang desisyon ni Ruby upang harapin ang bagong buhay sa abroad. Hindi naman maikakaila na kahit matagal na nanatili si Ruby sa industriya ng showbiz, ay masasabi na masaya siya sa pagbubukas ng bagong pinto ng oportunidad kung saan magagamit niya ang kanyang kakayahan.

Photo credits: Ruby Rodriguez | IG

Ang 55 taong gulang na aktres na si Ruby Rodriguez ay isang preschool teacher bago pa man makilala sa industriya ng showbiz. Taong 1991 naman nang mapabilang siya bilang co-host ng longest-running noon time show sa GMA na Eat Bulaga.

error: Content is protected !!