“Crazy Little Thing Called Love” Thai actress na si P’Nam, Mas Naglevel-up ang Kagandahan!

Naalala niyo pa ba ang isa sa mga nagpa-kilig na highschool movie na “Crazy Little Thing Called Love”? Ito ay isang thai-romantic comedy na pinag-bibidahan ng naging sikat na thai-actor na si Mario Maurer at ni Pimchanok Luevisadpaibul noong 2010.

Photo credits: baifernbah | IG

Photo credits: baifernbah | IG

Photo credits: baifernbah | IG

Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang high school student sa karakter ni Pimchanok bilang si P’Nam kung saan siya ay may lihim na pagtingin naman sa karakter ni Mario Maurer bilang si P’Shone na isang campus heartthrob.

Photo credits: baifernbah | IG

Ang kwentong ito ay naka-sentro sa karakter ni P’Nam na hindi kagandahang dalaga na binago ang kaniyang sarili upang magustuhan siya ni P’Shone. Tumagal sa takilya ang pelikulang ito hanggang taong 2011 at inere ito sa iba’t ibang bansa. Marami ang na-inspire sa kwento nito lalo na ang mga kabataang nakararanas ng ganitong klaseng love story.

Photo credits: baifernbah | IG

Pagkatapos ng maraming taon, ano na nga ba si Pimchanok Luevisadpaibul o mas kilala sa kaniyang screename na Baifern ngayon? Maliban sa pagiging isang sikat artista, ang Thai actress na si Baifern ay nakapag-tapos ng kaniyang Bachelor of Arts sa Bangkok.

Photo credits: baifernbah | IG

Ang aktres ay hindi lang napanood sa naging sikat na movie na “Crazy Little Thing Called Love”, dahil marami ring siyang mga Tv shows, Dramas, Series and Music Videos.

Photo credits: baifernbah | IG

Siya rin ay naging nominee sa iba’t ibang kategorya at nakasungkit ng iba’t ibang mga parangal. Isa na rin siyang endorser ng iba’t ibang produkto kagaya na lamang ng brand ng mga damit, mga sasakyan at mga beauty products. Ngayon, malaki na ang kaniyang ipinagbago at mas lalong umangat ang kaniyang kagandahan. Mula sa pagiging isang simpleng dalaga hanggang sa pagiging isang napakagandang babae.

Photo credits: baifernbah | IG

Photo credits: baifernbah | IG

Makikita sa kaniyang mga post na larawan sa Instagram na malaki na ang kaniyan pagbabago, naging mature na ang kaniyang personality at to the next level na rin ang kaniyang kagandahan. Kahit sino ay mahuhumaling sa kaniyang angking kagandahan ngayon. Sa mga nakasanayan na niyang mga cute and charming role sa pelikula noon, ngayon ay mas kakaiba na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *