Coleen Garcia, May Sweet na Mensahe Para sa Kaarawan ng Kanyang Asawang si Billy Crawford na Itinuturing Niya Bilang Blessing at Hero

Isang mahalagang papel rin ang ginagampanan ng haligi ng tahanan, o ang ama sa pamilya. Sila nga ang nagsisilbing pundasyon ng isang pamilya upang maging matibay at matatag ito.

Ang makatagpo nga ng isang mabuti at responsableng ama, ay maituturing na biyaya. Dahil kapag ang isang ama ay may malasakit sa pamilya, kung saan ay ginagawa ang lahat ng makakaya para maiparamdam ang pagmamahal at pag-aaruga sa pamilya ay maituturing itong isang biyaya.

Katulad na lamang nga ng aktres na si Coleen Garcia na isang biyaya sa kanilang pamilya ang turing sa kanyang asawang si Billy Crawford. Ang mag-asawang Coleen at Billy ay kabilang sa hinahangaang celebrity couple sa industriya ng showbiz, sa ipinapakita nilang tunay at wagas na pagmamahal sa isa’t isa.

Photo credits: coleen | Instagram

At kamakailan lamang, ay binigyang-pugay ng aktres ang pagiging asawa at ama ni Billy sa kanyang post sa Instagram bilang mensahe ng pagbati sa pagdiriwang ng ika- 39th birthday ng singer-actor.

Sa Instagram ibinahagi ni Coleen ang isang video kung saan mapapanood ang pakikipaglaro ni Billy sa kanilang anak na si Baby Amari. Dito nga ay buong pusong pinasalamatan ni Coleen si Billy sa pagiging isang mabuti at mapagmahal na asawa at ama sa kanilang pamilya.

Binigyang diin ni Coleen sa kanyang post na isang blessing si Billy sa kanilang pamilya, at number 1 hero naman ng kanilang anak na si Baby Amari. Isang napakasweet na mensahe ang ipinaabot ni Coleen sa kanyang asawa.

“Happy birthday to the love of my life, and Amari’s #1 hero! Thank you for always making us laugh and smile the way you do.

“We both love you so much, love! Thank you for being you. Every day with you is a blessing,”caption ni Coleen.

Samantala, sinagot naman ni Billy ang mensahe ni Coleen sa kanyang kaarawan na sinamahan pa ng video. Komento nga ni Billy, ay ito umano ang nagsisilbing gamot kahit wala namang sakit. Nagpasalamat rin si Billy sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya at sinabi nga na siya’y isang blessed husband.

“I adore both of you! Thanks so much for the best baby and video EVER! Hehe. Best medicine even if you ain’t sick,” mensahe ni Billy.”

“Thank you for being patient with me and thank you for your love! Super Blessed husband. Thank You Jesus.”

Marami ring nagpaabot ng pagbati sa kaarawan ni Billy. Maliban sa mga netizens, ay binati rin siya ng kanyang mga kaibigan sa showbiz, kabilang na nga rito ang It’s Showtime host na si Vhong Navarro.

Photo credits: coleen | Instagram

Matatandaan na ikinasal noong 2018 ang mag-asawang sina Coleen Garcia at Billy Crawford. At noong September 2020, ay masaya nilang sinalubong ang pagdating sa kanilang pamilya ng kanilang panganay na anak na si Baby Amari .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *