Connect with us

Entertainment

Child actress na si Ryza Mae Dizon, Ipinakita ang Kanyang Napaka-cute na Bagong Kwarto sa Kanyang Room Tour Video

Proud na ipinasilip ni Ryza Mae Dizon sa kanyang vlog na “ROOM TOUR 2021”. Kinagiliwan noon ng mga manonood si Ryza mula noong sumali siya sa isang portion ng Eat Bulaga na Little Miss Philippines. Simula noong siya ay nanalo dito nagtuloy-tuloy ang career ni Ryza, dahil narin sa kanyang charming at cute na personalidad. Napasabak rin siya sa pagho-hosting, pag-arte at sa pagkakanta narin.

Ryza Mae Dizon | Youtube

Sa kabila ng lahat ng ginagawa niya sa showbiz, hindi niya rin napapabayaan ang kanyang pag-aaral. Kahit na sa pagiging artista ay nagtatagumpay siya at unti-unti niya ring natutupad ang mga pangarap ng kanyang pamilya. Kagaya nalang ng pagkakaroon nila ng bagong bahay na ipinakita ni Ryza sa kanyang vlog noong lamang March. Kasunod nito ipinasilip rin ni Ryza nag kanyang kwarto nitong April sa kanyang Youtube Channel na pinamagatang “ROOM TOUR 2021”.

Ryza Mae Dizon | Youtube

Sa unang bahagi ng video pinakita ni Ryza ang isang shelf na punong-puno ng mga kagamitan na kanyang ginagamit, nakalagay dito ang mga bag, sapatos, mga make up, charger at iba pa.
Makikita rin sa video ang cabinet ni Ryza, ito ang lagayan ng kanyang mga damit na panlakad, pambahay at ginagamit niya sa kanyang trabaho. Isa ring fan si Ryza ng K-pop, dahil makikita dito ang mga larawan ng kanyang mga idol na sina Jungkook at Jimin ng BTS na katabi ng kanyang larawan.

Ryza Mae Dizon | Youtube

Punong-puno naman ng make up nag dresser ni Ryza na ginagamit niya tuwing mayroon siyang mga online hosting ayon sa kanya.

Pinakita niya rin ang kanyang laptop at tablet na ginagamit niya sa pag-eedit ng videos na inaupload niya sa Youtube, kasama narin dito ang kanyang mga camera dahil ito ang isa sa mga importanteng bagay na ginagamit niya sa kanyang trabaho.

Ryza Mae Dizon | Youtube

Ipinakita rin ni Ryza ang kanyang natanggap mula sa Youtube na Silver Play Button, Koleksyon ng mga merchandise ng Blackpink gaya ng blink lightstick at isang album na nakalagay sa isang floating shelf sa itaas lamang ng kanyang kama.

Ryza Mae Dizon | Youtube

Sa huling bahagi naman ng kanyang vlog pinakita rin ni Ryza ang kanyang bathroom, sa ngayon mahigit 350k na ang nakapagsubscribe kay Ryza at halos aabot na 300k ang nakapanood ng kanyang “ROOM TOUR 2021” sa kanyang Youtube video.

error: Content is protected !!