Bea Alonzo Ipinagdiwang ang Labor Day sa Pamamagitan ng Pakikipag Laro, Pamimigay ng Papremyo sa kanyang mga Kasambahay

Masaya ang naging Labor Day ng mga kasambahay ni Bea Alonzo, matapos magpalaro ang aktres ng ibat-ibang nakakatuwang fun games at namigay ng mga papremyo manalo man o matalo sa palaro.

Sa bagong inilabas na video vlog ni Bea sa kanyang Youtube Channel, makikitang naging masaya si Bea at ang kanyang mga kasambahay matapos makipag kompetensya sa isat-isa sa pamamagitan ng mga nakakatuwang palaro na inilatag ng aktres. Tuwang tuwa ang mga followers ni bea sa kanyang video na ito at pinuri nila ang aktres dahil sa pagiging mabuting amo nito sa kanyang mga kasambahay. Makikita din kung gaano kalapit ang loob ng aktres sa mga ito at kung gaano nito inaapreciate ang hardwork ng mga ito upang mapagsilbihan sila ng kanyang pamilya.

Pagmamahal at pag-aalaga din ang isinusukli ni bea sa mga ito, lalo na’t ayon kay Bea ay napakalaking tulong ng mga ito sakanya at saknilang pamilya lalo na ngayong panahon ng pandemic. Ibinahagi ni Bea ang video sa kanyan youtube channel nitong nakaraang Labor Day May 1, 2021.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Sa kanyang palaro ay igrinupo ni bea ang kanyang mga kasambahay sa tatlo kung saan ang kabilang sa Green Team ay sina Cora at Liezel, samantala sa White Team naman ay sina Nina at Lito at sa Blue Team naman ay si Ivan at si Bea mismo.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Halos sa buong video ay puro tawa lang ang kani kaniyang grupo dahil sa mga nakakatuwang palaro ng aktres. Makikita na talagang masayang masaya si Bea habang kalaro ang kanyang mga kasambahay. Sa instagram naman ni bea, ibinahagi niya ang ilan sa mga larawan ng naging kaganapan ng kanyang palaro kung saan makikita silang nakasuot ng stockings sa muka.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

“Yun na nga, totoo ngang ginawa namin to! (please don’t kll me for posting this, nins!”, caption ng aktres sa kanyang instagram post.

“Labor day weekend is approaching, and what better way to celebrate it than to play games at home with my angels! Masaya to!”

ayon naman sa caption ni bea sa isa nya pang video post sa kanyang instagram account.

Sa huling bahagi naman ng video ni Bea, isang delivery rider naman ang binigyan nya ng biyaya matapos niya itong biyayaan ng 5,000 load at 15,000 pesos na cash.

PAYING IT FORWARD! | Bea Alonzo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *