Batang Babae na Nakakuha ng Biscuit na Makakain sa Isang Community Pantry, Hinangaan Matapos Bumalik Para Magdonate ng Gulay

Dahil sa pandemyang nararanasan natin ngayon, marami ang nagsulpotang mga community pantry. Isang katangian nating mga Pilipino ang pagiging mapagbigay sa mga nangangailangan, isa dito ang kwento ng isang bata na gumawa ng inspirasyon sa twitter.

Napadaan ang isang bata sa ikalawang araw ng isang community pantry sa kanilang lugar, ayon sa organizer ng pantry na ito humingi umano sa kanila ang bata ng biskwit at nagpasalamat bago umalis.

“Second day ng aming maliit na community pantry. This little girl passed by and asked for a biscuit. Binigyan naman namin siya. She said thank you, and left”,

Photo credits: Twitter

Kaya pagkatapos niyang makahingi ng biskwit naka-ilang beses bumalik ang bata upang magbigay ng iba’t ibang gulay. Marahil natuwa ang bata dahil mayroon siyang nakuhang biskwit na libre, kaya naisipan niya ring magbigay. Ang kanilang mga tanim na gulay ay kaniyang idinonate kapalit ng kaniyang nakuhang biskwit. Malapit lang din ang bahay ng batang ito sa naturang pantry at siya ay kinilalang si Aya. Bumalik pa si Aya sa pantry upang magbigay ng patola at kamote, ayon pa sa bata marami pa raw mga gulay sa bakuran ng kaniyang lola.

Sa kaniyang ipinakita, maituturing ng isang mabait na bata itong si Aya. Dahil sa simpleng bagay na kaniyang nakuha ay nagawa niya ring makapagbigay ng tulong sa mura niyang kaisipan. Naibahagi ang larawan ng bata na masayang nagbibigay ng gulay sa isang community pantry sa social media. Dahil marami ang natuwa kay Aya, nakakuha ang larawan nito sa twitter ng 11,000 na retweets at 60,000 na favorites.

Ito naman ang caption sa isa pang larawan ng bata ibinahagi sa twitter,

“Bumalik po si Aya kanina. Tinanong niya kami kung puwede pa raw siya magbigay ng malunggay. Natuwa kami at sinabi naming syempre naman. Pinakita ko rin sa kanya iyong mga sinabi ninyo rito sa Twitter. Napangiti at napasaya niyo po si Aya! Salamat po!”

Photo credits: Twitter

Kung saan naisipan na naman ng bata na magbigay ng gulay na malunggay. Labis naman ang naging kasiyahan ng bata nang malaman niyang marami ang natuwa sa kaniyang pagiging mapagbigay.

Ang kwento ng batang ito ang nagpapatunay na hindi basehan ang edad upang matuto tayong magbigay sa ating kapuwa. Hikaos man sila sa buhay, bukas-palad pa rin silang nagbibigay.