Barbie Imperial, May Nakakakilig na Mensahe sa Pagdiriwang ng Kaarawan ng Kanyang Boyfriend na si Diego Loyzaga

Nito lamang Biyernes, ika-21 ng Mayo ay ibinahagi ng aktres na si Barbie Imperial sa Instagram ang kanyang sweet message bilang pagbati sa pagdiriwang ng ika-26th birthday ng kanyang boyfriend na si Diego Loyzaga.

Maraming netizens at tagahanga ang pinakilig ni Barbie sa kanyang Instagram post kung saan ibinahagi niya ang isang video na masisilayan ang sweet moments together nila ng kanyang boyfriend na si Diego.

Sa caption naman ng post ng dalaga ay sinabi nito, na ito ang kanyang happiness. Binigyan diin rin ni Barbie sa kanyang post ang kanyang labis na pasasalamat sa aktor, dahil ginagawa umano nito ang lahat para lamang mapasaya siya. Tinapos naman ni Barbie ang kanyang mensahe sa isang matamis na “I love you so much”.

“Diego. To my best friend, my happiness, my love and my everything, happy happy birthday. I am so thankful for you, everything you do to make me happy. I love you so much @diegoloyzaga,”sweet message ni Barbie.

Samantala, bilang sagot naman ni Diego sa napakasweet na mensahe ng kanyang nobya para sa kanya, ay sinabi ng aktor na sana raw ay maraming birthday pa niya ang dumating na kasama niya ito. Nagpasalamat rin si Diego sa pagbati ni Barbie, at hiniling na sana ay kasama niya ito ngayon sa pagdiriwang ng kanyang espesyal na araw.

“Thank you baby girl!! Wish I was with you right now! See you as soon as possible. I love you so much. Many more birthdays with you hehe,”sagot ni Diego sa mensahe ni Barbie.

Matatandaan na noong unang buwan ng tain nang ianunsiyo nina Barbie at Diego ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagpost sa social media. Para sa post ni Diego, ay nagbahagi siya ng larawan kung saan kasama niya sa pagdiriwang ng New Year si Barbie. Sa nasabing post ay pinasalamatan ni Diego ang aktres, dahil ginawa umano nitong memorable ang pagtatapos ng taong 2020.

Sa post naman ni Barbie bilang kumpirmasyon ng kanilang relasyon, ay sinabi ng aktres na hindi niya akalain na mahuhulog at mamahalin niya si Diego.

“Totally unexpected to fall for someone I thought I’d be just friends with forever but I’m really happy to have found both love and friendship with this one. Thank you for making me happy & feel loved. Thank you for everything that you do to make me feel the love I deserve. So thankful for you, thank God for you.”

Nagsimula namang pag-usapan ang namumuong pagtitinginan ng dalawa noong Nobyembre matapos mag-iwan ng komento si Diego sa isang bikini photo ni Barbie sa Instagram.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *