Baby Summer, Ipinamalas ang Kabibohan at Ka-Cutetan Matapos Sumabak sa Kauna-unahan nitong TV Commercial

Marami ang natutuwa at giliw na giliw sa napakacute na anak nina Paolo Contis at LJ Reyes na si Summer. Sa murang edad kasi nito ay makikita na ang kabibohan at angking talento bilang isang bata. Hindi naman maikakaila na proud na proud sina Paolo at LJ bilang mga magulang ni Summer.

Photo credits: LJ Reyes | IG

Makikita nga na madalas ibida ng proud parents na sina Paolo at LJ sa kanilang social at sa vlog ang kabibohan at taglay na talento ni Summer. Matatandaan nga na minsang ibinida ni Paolo ang acting skills ni Summer na talaga namang napakahusay na animo’y namana ang angking talento ng kanyang mga magulang na parehong mahusay na aktor at aktres.

Photo credits: LJ Reyes | IG

Dahil sa turo ng kanyang acting coach na si Daddy Paolo, ay agad natuto si Summer bagay na agad na pinusuan ng maraming netizens. Dahil nga sadyang napakacute ni Summer, samahan pa ito ng pagiging masayahing personalidad at kahanga-hangang talento, ay ito ang naging daan upang madiskubre at kunin bilang endorser.

Tila naman epektibo ang acting lessons na ginawa ni Paolo sa kanyang anak. Dahil kamakailan lamang, ay proud na proud sina Paolo at LJ sa kanilang anak na si Summer matapos ipamalas ang husay sa kanyang first ever TV commercial.

Photo credits: LJ Reyes | IG

Kamakailan lamang nga, ay proud na ibinahagi ni LJ sa Instagram, na katatapos lang nilang gumawa ng isang TV commercial. Ito ang unang sabak ni Summer sa isang TV commercial, kaya naman talagang humanga at labis na ipinagmamalaki ni LJ ang kanyang anak.

Photo credits: LJ Reyes | IG

Sa caption nga ng post ni LJ ay mababakas ang labis na paghanga sa kanyang anak. Sa bigay-todo at kahanga-hangang performance ni Summer ay tila nakalimutan ni LJ na dalawang taong gulang lamang ang kanyang anak.

“Anak wardrobe check pa lang! Bigay todo na ha!!!🤣🤣🤣 Still can’t believe she finished TVC shoot! Such a trooper, and good one at that. ❤️Minsan nakakalimutan ko talaga na 2yo lang siya🤣! (BTS soon! G?)”

Photo credits: LJ Reyes | IG

At gaya nga ng ipinangako ni LJ, ipinasilip niya ang behind the scenes ng first ever TV commercial ni Summer. At makikita nga na tila naglalaro lamang ang cute na bata dahil natural na natural ang kanyang galaw sa harap ng camera.

“At eto na nga!!! Behind the scenes to Summer’s first TVC is up now! Link in my bio!!! Sure ako gusto nyo tong mapanuod!😝 And it also is very new to us sh00ting from home!❤️ so proud of this baby!!! (Yes toddler na sya pero baby pa rin sya para sakin!😁 forever yan!)”

Makikita naman na nakasuporta rin ang Daddy Paolo ni Summer na naging taga-ayos ng buhok ng napakacute na bata habang nagso-shoot. Si LJ naman ay tuwang-tuwa at enjoy na enjoy sa kabibohan ng kanilang anak.

Behind-the-Scenes: Summer's First TVC!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *