“Ayokong Magtago”: Paolo Ballesteros Ibinahagi na Hindi Niya Kailangang Itago ang Tunay niyang Kataohan sa kanyang Anak

Si Paolo Ballesteros ay kilala bilang co-host ng Eat Bulaga ngunit maliban rito, ay isa rin siyang mahusay na artista na ipinapamalas ang talento sa kanyang mga proyekto.

Sadyang kahanga-hanga nga si Paolo, samahan pa ito ng kanyang husay sa pagpapatawa bilang isa ring kilalang komedyante sa showbiz.

Ngunit, sa lahat ng magandang katangian ni Paolo, sa kanyang husay at talento, ay higit namang kahanga-hanga ang kanyang pagiging isang mabuting ama sa kanyang anak na si Keira Claire. Si Keira Claire ay anak ni Paolo sa kanyang dating karelasyon.

Batid naman ng marami ang tunay na kasarian ni Paolo, ngunit ito nga ay hindi ikinakahiya ng aktor na kanyang isinapubliko noong Agosto 2019. At sa panayam ng Pep.ph kay Paolo, ay ibinahagi nito na hindi niya itinatago ang kanyang tunay na pagkatao sa kanyang anak dahil alam niya na naiintindihan siya nito.

Photo credits: Paolo Ballesteros | IG

“Luckily, my daughter is a bright kid, eme. So, wala nang ano yun, wala nang problema.”

Bagama’t, hindi nila napapag-usapan ang tungkol sa “sxual orientation” ni Paolo, ay hindi nga ito hadlang sa pagiging malapit nila sa isa’t isa bilang mag-ama. At ang kanyang pagiging “gay” ay hindi na niya kailangan pang ilihim sa kanyang anak.

“Siyempre hindi pa, ten years old lang yun ano,” saad ni Paolo na tinutukoy na bata pa ang kanyang edad para pag-usapan ang naturang bagay.

”Bahay ko yun ‘tsaka anak ko siya ‘tapos magtago ako”,pahayag ni Paolo.

Samantala, sa kabila ng pagiging isang mahusay na komedyante, ay seryoso naman si Paolo pagdating sa kanyang anak. Tulad nga ng ibang magulang ay gagawin rin lahat ni Paolo upang lumaking mabuting tao ang kanyang anak.

Photo credits: Paolo Ballesteros | IG

Matatandaan nga sa isang panayam noong 2016, na sinabi ni Paolo na dinidisiplina niya ang kanyang anak upang mapabuti ito.

“wala namang pwedeng ibang dumisiplina sa anak ko kundi ako, di ba? So I think I have to do that part bilang isang parent, kasi otherwise paano matututo?”, ani Paolo.

Bilang isang mabuti at reponsableng ama nga ay napaka-hands on ni Paolo sa kanyang anak. Noong 2016 ay sa Illinois, United States nanirahan si Keira at ina nito, ngunit matapos ang ilang taon ay umuwi na ang mga ito sa Pilipinas kung saan kasalukuyang naninirahan sa Baguio dahil na rin sa pag-aaral ng bata.

Photo credits: Paolo Ballesteros | IG

Samantala, madalas ring magbonding ang mag-ama at kapag silang dalawa nga ang magkasama, ay napakarami nilang ginagawa. Hindi naman maikakaila ang pagiging proud daddy ni Paolo sa kanyang napakagandang anak. Sa katunayan nga nito, ay halos mapuno ng larawan ni Keira ang Instagram ni Paolo.

Photo credits: Paolo Ballesteros | IG

Pagdating naman sa nais tahaking landas ni Keira, ay pangarap raw nitong pumasok sa showbiz at maging artista. Bagay na sinuportahan naman ni Paolo. Ngunit, ang talagang nais umano ni Paolo para sa kanyang anak ay mag-focus muna ito sa pag-aaral upang makapagtapos.

“Gusto niyang mag-artista, e, oo. Kung gusto niya, ngayon nagvi-VTR. Actually nag-audition siya as young Darna, e, kaya lang Inglisera.”

“Di marunong mag-Tagalog. Marunong naman mag-Tagalog pero slang.”

“Pero ang gusto ko talaga ay mag-aral muna siya. Pag bakasyon lang, puwede na siya mag-VTR and stuff, mag-shoot ganyan.Pero pag aral, aral.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *