‘Artista na Negosyante pa’ Kilalanin ang mga Sikat na Celebrities na may mga Succesful na Negosyo

Bawat sentimo mula sa pinagpaguran ng mga sikat na celebrities sa showbiz ay kanilang pinapahalagahan. Kaya naman, ang bunga at katas ng kanilang sipag at sakripisyo, ay kanilang tinatamasa ngayon. Maliban nga, sa pagtupad sa pangarap na makapagpundar ng sariling bahay at iba pang property, isa rin sa kanilang tinupad ay ang makapagpatayo ng sarili nilang negosyo.

Hindi naman talaga pang habang buhay ang tinatamasang kasikatan sa industriya ng showbiz. Kaya naman, ang ilang sikat na celebrities sa showbiz ay naglalaan ng oras at salapi para magkaroon ng pagmamay-aring negosyo.

1. Nadine Lustre

Ang aktres na si Nadine Lustre ay agad na pinagtuunan ng pansin ang pagnenegosyo. At sa edad na 23, ay may dalawa na siyang sariling negosyo na kanyang naipundar. Ito ang nails.glow essence at Luster na hango naman sa kanyang pangalan.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

2. Maine Mendoza

Hindi lamang isang magaling na aktres at TV host si Maine Mendoza, dahil pinatunayan rin niya ang husay niya pagdadating sa pagnenegosyo. Si Maine ay nagmamay-ari ng apat na franchise ng Mcdonalds. At ang huling franchise na kanyang binuksan, ay matatagpuan sa Bulacan. Nagkakahalaga ng 35-50 Million ang franchise ng Mcdonalds, ngunit dahil 500 thousand lang ang kita ng isang branch, ay aabot lamang ng 2 Million ang apat na branch.

Photo credits: google.com

3. Alden Richards

Ang aktor na si Alden Richards ang may-ari ng Conchas Garden Cafe. At ngayon nga, ay may tatlong branches na ito sa bansa na matatagpuan sa Tagaytay, Thomas Morato Avenue sa Quezon City at Silang Cavite.

Photo credits: google.com

4. Kiray Celis

Isa naman ang aktres na si Kiray Celis sa nag mamay-ari ng restaurant. Siya ang may-ari ng Chicks and Fins na matatagpuan sa Manila. Sa ngayon, ay isang taon na niyang pinapatakbo ang negosyo. Ang nag-udyok naman ng negosyong ito kay Kiray ay ang kanyang boyfriend.

Photo credits: google.com

5. Kathryn Bernardo

Ang KathNails naman ang unang negosyo na binuksan ng aktres na si Kathryn Bernardo na sinimulan niya noong 2017. Ito naman ay matatagpuan sa SM North Edsa.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

6. Nash Aguas

Ang aktor na si Nash Aguas ay muling nakapagpatayo ng pangalawa niyang negosyo, matapos maging matagumpay ang nauna niyang negosyo na Muramen, ito nga ang Grillest.

Photo credits: google.com

7. Angel Locsin

Taong 2010 nang buksan ni Angel Locsin ang kanyang KTV business na talaga namang dinarayo ng marami.

Photo credits: google.com

8. Daniel Padilla

Ang aktor na si Daniel Padilla ay co-owner ng District 8 Gastropub na matatagpuan sa Greenhills San Juan kung saan kasama niya sa negosyo ang ilang celebrities na sina Vice Ganda, Billy Crawford at James Reid.

Photo credits: google.com

9. Liza Soberano

Ang napakagandang aktres na si Liza Soberano ay nagbukas ng kanyang business na Hope Hand and Foot Wellness.

Photo credits: google.com

10. Marian Rivera

Ang hilig ng aktres na si Marian Rivera sa mga floral ay ginawa niyang negosyo. Ang negosyong ito ay pinangalanan niyang Flora Vida.

Photo credits: google.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *