Entertainment
Anne Curtis, laking pasasalamat sa kaniyang Mommy Carmen dahil labis-labis na pagmamahal nito kay Dahlia

Hindi natin maipagkakaila ang saya na ating nararamdaman sa tuwing makikita natin ang ating ina na masayang kasama ang kanyang apo. Alam naman natin ang ating mga ina ay handang gawin lahat para sa kanyang apo, iyong tipong hindi mo mahahawakan ang iyong anak sa tuwing dadalaw kayo sa bahay ng iyong mga magulang.
Photo Credit: Carmen Curtis Smith | Instagram
Tayo namang mga magulang ay walang magawa kundi ang magalak na makita ang ganitong mga kaganapan. Siguro ganito lang talaga ang ating mga magulang sa ating mga anak. Tulad na lamang ng ina ng kilalang aktres na si Anne Curtis na hindi magkandamayaw ang saya at pagmamahal na ipinaparamdam sa tuwing nakikita ang apong si Dahlia.
Photo Credit: Carmen Curtis Smith | Instagram
Photo Credit: Carmen Curtis Smith | Instagram
Nagkuwento ang aktres sa mga pagbabago sa buhay ng kanyang pamilya simula nang dumating sa kanila ang anghel na si Baby Dahlia. Saad ng aktres nang sila ay pumunta sa Australia ay madalas alukin umano siya ng kanyang ina at kapatid na tulungan alagaan ang kanyang anak na si Dahlia.
Photo Credit: Carmen Curtis Smith | Instagram
Photo Credit: Carmen Curtis Smith | Instagram
Lubos naman ang pasasalamat ng aktres sa walang kapantay na effort at atensyon na binibigay umano ng kanyang pamilya sa kanyang anak. Ang laking tulong ang naihatid ng kanyang pamilya sa mga unang buwan ng paglabas ni Dahlia sa kanyang sinapupunan.
Photo Credit: Carmen Curtis Smith | Instagram
Photo Credit: Carmen Curtis Smith | Instagram
Dahil sa kaganapan na ito naisip lamang ng aktres na totoo pala ang sinasabi ng nakakarami na sadyang spoiled ang apo pag dating sa kanilang mga lola. Dahil madalas na nakikita ng aktres ang kanyang ina na hawak si Dahlia at pinapakilala ang sarili na Lola.
Photo Credit: Carmen Curtis Smith | Instagram
Marami ding nareyalisa sa buhay ang aktres simula ng dumating si Dahlia. Naisip niya na napakahalaga ng bawat oras na dumadaan sa buhay ng isang ina kung kaya natutunan niya na magmanage ng mas maayos sa kanyang oras upang mas makasama niya ng matagal ang kanyang anak. Dito din niya naisip na ganito din ang kanyang mga magulang noong sila ay mga bata pa.
