Angel Locsin, mas’ lalong Hinangaan ng mga Netizens nang Biglang Lapitan nito at Abotan niya ng Tulongan ang Isang Lalaki na Umiiyak sa Isang Ospital

Sa panahon ngayon, maraming mga tao ang mas higit na nangangailangan ng tulong. Ito ang pinatunayan ng celebrity actress na si Angel Locsin, hindi lang siya basta mahusay na aktres isa rin siyang maituturing na pilantropo dahil sa kaniyang mga nagagawang pagtulong sa kaniyang kapwa.

Photo credits: Angel Locsin | IG

Sa kabila ng mga intrigang kaniyang kinsangkutan dahil sa kaniyang ginawang community pantry hindi pa rin natinag ang kaniyang kabutihan. At marami pa rin ang mga taong humanga sa kaniyang pagiging matulungin. Kamakailan lamang, nag-viral ang isang video kung saan binigyan ng aktres ng tulong pinansiyal ang isang lalaki sa isang ospital.

Ayon sa isang post ng isang netizen sa twitter, nagulat na lamang raw sila nang lumapit si Angel sa isang lalaki na umiiyak kasama ang anak nito. Narinig umano kasi siya ni Angel na umiiyak kaya siya nilapitan ng aktres at bigla na lamang itong kumuha ng pera sa kaniyang pitaka at ibinigay sa lalaki. Ang nasabing lalaking ito ay emosyonal na nangangailangan ng tulong para sa kaniyang anak na nasa ospital ng mga oras na iyon. At isa ngang anghel ang dumating sa kaniyang harapan upang siya ay matulungan.

Photo credits: @dagamiRRT via Twitter

Ayon pa sa aktres, ang perang ibinigay niya ay maswerteng pera na nakatago sa kaniyang pitaka. Kaya labis ang pasasalamat ng lalaki sa ibinigay na cash assistance sa kaniya ni Angel. Pati na rin ang mga tao na nasa video ay labis na nagulat sa ginawa ng aktres, kaya naman taos-puso rin silang nagpasalamat sa pagiging mapagkawang-gawa ng aktres. Ang videong ito na may caption na,

Mas lalong hinangaan si Angel ng mga netizens, dahil ganun na lamang kasimple sa kaniya ang tumulong sa mga nangangailangan nang walang pasubali. Ang kaniyang pagiging bukas-palad ang naging dahilan upang mas lalo siyang mahalin ng publiko at suportahan sa kabila ng kaniyang kinakaharap na mga intriga.