Connect with us

Entertainment

Ang Miss Universe 2017 candidate ng Pilipinas na si Rachel Peters at Gov. Migz Villafuerte ay magkakaroon na ng baby

Marami tayong mga hinahangaan na pesonalidad sa iba’t ibang larangan. Ang mga personalidad na ito ay maaaring isang artista, manlalaro, beauty queen, musikero, manunulat at iba pa.


Image courtesy: Rachel Peters | Instagram

Dahil sa kanilang mga pinakitang gilas sa kanilang mga larangan ay naging daan ito ng kanilang kasikatan kung kaya tayo naman ay humanga sa kanila. Lumipas man ang panahon ay hinding- hindi natin sila malimutan.


Image courtesy: Rachel Peters | Instagram


Image courtesy: Rachel Peters | Instagram

Sinusubaybayan ang bawat kaganapan sa kanilang buhay simula ng una mo silang makilala at hanggang ang mga ito ay magkaroon ng sariling pamilya. Tulad na lamang ng dating beauty queen na nanalo sa Miss Universe Philippines noong 2017 na si Rachel Peters.


Image courtesy: Rachel Peters | Instagram


Image courtesy: Rachel Peters | Instagram

Hindi malilimutan ang kagalingan na ipinakita ni Rachel Peters ng siya ay lumaban at nanalo sa Miss Universe Philippines at tanghaling Reyna ng patimpalak na iyon. Hindi din tayo binigo ni Rachel ng sumali ito sa Miss Universe dahil nasungkit niya ang ika-10 pwesto sa paliksahan na iyon.


Image courtesy: Rachel Peters | Instagram

Hindi man niya nasungkit ang titulong Miss Universe ay naipakita naman niya sa buong mundo kung gaano siya kagaling at ka proud bilang isang Pilipino. Lumipas ang ilang taon ay nabalitaan natin na ang hinahangaan nating si Rachel Peters ay ikakasal na dapat sa kanyang nobyo na isang Governor sa CamSur na si Migz Villafuerte noong nakaraang taon.


Image courtesy: Rachel Peters | Instagram

Ngunit ito ay hindi natuloy sapagkat nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayare. Gayunpaman ay hindi napigilan ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa na kahit hindi natuloy ang kanilang kasal ay may dumating na isang biyaya. Si Rachel Peters na dating beauty queen ay magigingisang ganap ng ina.


Image courtesy: Rachel Peters | Instagram

Ang pangyayareng ito ay ibinahagi ni Rachel sa kanyang social media account na kung saan saad niya na siya ay 18 weeks ng nag-dadalang tao.


Image courtesy: Rachel Peters | Instagram

Ang kanyang magiging asawa namang na si Gov. Migz ay hindi nakapagpigil at ibinahagi din ang kanyang nararamdaman sa kanyang social media account na kung saan sinabi niyang siya ay magiging isang ganap ng ama.
Dahil dito madaming mga netizens ang natuwa at bumaha ang isang katutak na pagbati para sa magkasintahan na si Rachel Peters at Gov. Migz Villafuerte.

error: Content is protected !!