Connect with us

Entertainment

Albert Martinez, Nahilig sa Pangongolekta ng Sasakyan, Mga Nakolekta niyang Sasakyan Umabot na sa 21

Kung pahusayan lang pag-arte ang paguusapan, isa si Albert Martinez sa maituturin na beterano jan. Dekada 80s ng magsimula si Albert sa kanyang karera sa showbiz, at mula noon hangang ngayon ay wala pa ding kupas ang kanyang talento at patuloy na nagbibigay ito ng kasiyahan sa kanyang mga taga subaybay.

Ipinanganak si Alberto Pineda Martinez o mas kilala sa kanyang stage name na Albert Martinez noong April 19, 1963, Isa syang sikat na producer, actor sa industriya ng showbiz. Kahit anong role na gampanan ni Albert ay kayang kaya niya, mapa bida o kontrabida ay madali niya itong nagagampanan.

Isa sa mga kinahihiligan ni Albert ngayon ay ang mangoleksyon ng sasakyan kung saan ibinahagi niya ang ilan sa kanyang mga mamahaling kolekyson ng sasakyan.

Photo credits: Magandang Buhay

Photo credits: Magandang Buhay

Sa naging interview sakanya ng isa sa mga sikat na programa ng GMA Public Affairs ang magandang buhay, ibinahagi ni Albert na ang kanyang mga kolekyson ngayon ng sasakyan ay umabot na sa 21. Nang tanongin sya kung memorize nya ba ang lahat ng sasakyan nya, pagbabahagi niya na may notes sya sa mga ito kung saan nakalagay dito ang mga plate numbers at kung ano ang status ng kanyang mga sasakyan at kung ano ang mga kailangan na gawin sa mga ito upang mapanatili sa magandang kondisyon.

Photo credits: Magandang Buhay

Ayon naman kay Albert ay nahilig din ang kanyang anak na si Alfonso sa mga sasakyan kaya ipinapagamit nya din ang ilan sa kanyang mga koleksyon dito. Ayon dito ay para naman maenjoy nilang dalawa ang mga koleksyon nya ng mga sasakyan kasi ano nga naman ang magiging purpose ng pangongolekta kung hindi mo naman ito maeenjoy.

Photo credits: Magandang Buhay

Photo credits: Magandang Buhay

Ayon kay Albert na 1995 noong ng una siyang magrestore ng sasakyan hangang hindi niya mamalayan na nahilig na sya sa pagrerestore at pangongolekta ng sasakyan. Nang tanongin naman si Albert kung ano ang pinaka paborito niyang sasakyan, sagot naman nito ay ang Mercedez Benz SL Convertible na talagang pinangarap niya at pinag ipunan.

Photo credits: Magandang Buhay

Ayon kay Albert ay nahilig din sya sa offroading kung saan naeenjoy nya ito ng husto.

Talagang nakakabilib ang mga koleksyon ni Albert at makikita na alagang alaga niya ang mga sasakyan nya na binuhusan niya ng panahon at pagmamahal.

 

error: Content is protected !!