Aktres na si Desiree Del Valle, Masayang Inanunsiyo ang Kanyang Pagbubuntis sa Panganay na Anak nila ng Kanyang Asawang si Boom Labrusca

Si Desirée Lois del Valle Dunham sa tunay na buhay o mas kilala bilang Desiree Del Valle sa industriya ng showbiz ay isang kilalang aktres sa bansa na nagsimula ng taong 1996 sa kanyang karera, at napabilang sa Star Magic noong 1998.

Namamayagpag ang karera ni Desiree hanggang kasalukuyan. At isa nga sa mga teleseryeng kanyang ginampanan na kung saan nasilayan ang kanyang husay sa pag-arte bilang isang artista ay ang Flordeliza.

Pagdating naman sa kanyang buhay pag-ibig ay mapalad si Desiree at natagpuan niya ang kabiyak ng kanyang puso sa katauhan ng co-star niya sa Flordeliza na si Boom Labrusca. Sina Desiree at Boom ay ikinasal noong January 2018 sa 2018 sa South Lake Tahoe, California. Dalawang beses naman silang na-engaged, una ay noong July 14, 2015 at nasundan pa noong December 2016.

Ngayon nga, ay masaya na silang nagsasama at tinatamasa ang buhay mag-asawa. Mas lalo namang magiging masaya at makulay ang kanilang pagsasama sa panibagong biyaya na ipinagkaloob sa kanila.

Nito lamang ika-28 ng Mayo, araw ng Biyernes, ay masayang inanunsiyo ni Desiree ang kanyang pagbubuntis sa panganay na anak nila ni Boom.

Sa kanilang Instagram ay ibinahagi ng celebrity couple ang larawan ni Desiree habang nasa pool kung saan masisilayan ang nakaumbok na baby bump ng aktres. Ang mga nasabing larawan ay may kasama ring positive result ng pregnancy test at sonogram.

Nilakipan naman ito ng magandang caption na may quotes na mula sa Bible.

“Believe in what you pray for. At the right time, I, the Lord will make it happen.”

Samantala, kinumpirma ng mag-asawa ang pagdadalantao ni Desiree noong April 22. At ayon kay Boom, noon nga ay nasa 17 weeks na ang dinadala ni Desiree. Hindi na nga maitago ng mag-asawa ang pagkasabik sa nalalapit na pagdating ng kanilang munting anghel sa kanilang pamilya.

“Salamat po Ama. Can’t wait to see you baby.”

Nataon na naman na isinapubliko ng mag-asawa ang magandang balita sa mismong pagdiriwang ng birthday ni Desiree noong Mayo 28. Isa namang nakakaantig na mensahe ang ipinaabot ng aktres sa kanyang asawa sa Instagram.

“I will always dream with you papi. “Our plans for a brighter future are in God’s hands. As long as we always have each other, everything is gonna be alright.”

May anak si Boom sa kanyang dating nakarelasyon. Ito nga si Tony Labrusca na anak ni Boom sa kanyang dating girlfriend na si Angel Jones na isang modelo.