Aktres at Vlogger na si Ivana Alawi, Binigyan ng P100K at P50K ang Dalawa Niyang Kasambahay Matapos Paiyakan sa kanyang Prank

Napakalaki ng naitutulong ng mga kasambahay sa bawat pamilyang Pilipino. Ang mga kasambahay nga ang nagsisilbing tagapangalaga ng ating mga tahanan mula sa paglalaba, paglilinis ng buong bahay, pagluluto at marami pang iba.

Matinding sakripisyo rin ang kanilang ginagawa kung saan ay tinitiis ang mawalay sa sariling pamilya, para lamang magsilbi sa ibang pamilya.

Kaya naman, ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi, ay malaki ang paghanga sa mga kasambahay. At kamakailan nga, sa kanyang latest vlog ay binigyang pugay niya ang kasipagan at sakripisyo ng dalawa nilang kasambahay.

Ngunit, bago pa man niya pasalamatan ang kanyang dalawang kasambahay na sina KC at Mae, ay naisip niya na iprank muna ang mga ito. Kwento naman ni Ivana, ay naunang napunta sa kanila si KC at limang taon nang naninilbihan sa kanila. Samantalang si Mae naman ay ate ni KC, na isang single mom na iniwan ang anak para magtrabaho, ay dalawang taon na nilang kasama sa bahay. Ang magkapatid ay nagmula sa Cagayan na kung saan ay pawang masisipag at mapapagkatiwalaan.

Si KC ang kasa-kasama ni Ivana sa kanyang shooting at nagsisilbi ring niyang personal assistant. Si KC rin ang nakatuka sa mga gamit sa vlogging ng aktres na talaga namang iniingatan ito. Sa nakikita ni Ivana kay KC, ay talagang napakasipag umano nito at malaki ang naitutulong sa kanya.

Samantala, para maisakatuparan ang prank ni Ivana sa kanyang dalawang kasambahay, ay nagkaroon sila ng kunwaring vlog na “Whats in the Box Challenge”.

Photo credits: Ivana Alawi | IG

Dahil nga, si KC ang nakatuka sa mga vlogging equipments, ang plano ni Ivana ay paiyakin niya ito sa kanyang prank. Para maging matagumpay ang prank ay bumili si Ivana ng peke at defective na camera na kapareho ng ginagamit niya at ito nga ang gagamitin niya para maprank si KC at Mae. Papalabasin nga ni Ivana na kasalanan ni KC ang pagkahulog at pagkasira ng camera.

Photo credits: Ivana Alawi | IG

Sinimulan na nga nila ang “What’s in the Box Challenge”, at para simulan rin ang prank ay nakapiring si Ivana at Mama Alawi, habang si Hashim naman ay hawak ang defective na camera. Habang nakatuntong si Hashim sa isang upuan na inaalalayan naman ni KC, ay iniabot ni Hashim ang camera, kung saan ay sinadyang mahulog ni Hashim sa sahig upang masira.

Photo credits: Ivana Alawi | IG

Photo credits: Ivana Alawi | IG

Dahil nga nakapiring, kunwaring hindi na alam ni Ivana ang nangyari kung kaya’t tinanong niya ang mga ito. Nagkunwaring nagagalit na si Ivana kina KC at Mae, dahil sa pagkasira ng camera kung kaya’t pababayaran na ito sa magkapatid. Pumayag naman si KC sa sinabi ni Ivana na bayaran ito, na hati sila ni Hashim ngunit wala naman daw siyang pera.

Photo credits: Ivana Alawi | IG

Nakapagsalita na rin si Ivana ng hindi maganda ay sinabi nga na maghahanap na lamang siya ng bagong PA. Humingi naman ng patawad si KC kay Ivana, ngunit hindi ito tinanggap ni Ivana dahil seryosong bagay umano ito, at hindi dapat pinagtatawanan.

Photo credits: Ivana Alawi | IG

Hanggang sa naiyak na nga si KC sa mga sinabi ni Ivana, at mapapansin na talagang nasaktan ito, at ayaw rin namang umalis sa bahay ng kanyang amo. Maging ang kanyang Ate Mae, ay naiyak na rin dahil sa pagkaawa sa kanyang kapatid.

Photo credits: Ivana Alawi | IG

Hindi naman na nakatiis si Ivana, nang makitang umiiyak na si KC at Mae. Mayamaya nga ay nilapitan na ni Ivana si KC at sinabi na prank lamang ito. Lalo namang humagulhol si KC sa pag-aakalang totoo ang nangyari. At upang pasalamatan si KC sa kasipagan nito, ay binigyan niya ito ng P100K samantalang si Mae ay binigyan naman ng P50K.

Photo credits: Ivana Alawi | IG

Photo credits: Ivana Alawi | IG

Sa huli nga, ay nagpasalamat si Ivana sa kabutihan at kasipagan ng kanyang dalawang kasambahay.

BREAKING CAMERA PRANK ON OUR HELPERS! *PINAALIS KO SILA*  | IVANA ALAWI

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *