Aktor na si Aga Muhlach, Walang Kupas pa rin ang Kagwapuhan Mula Noon Hanggang Ngayon

Si Ariel Aquino Muhlach o mas kilala sa screename na Aga Muhlach, ay isa sa mga batikang aktor sa entertainment industry mula noon hanggang ngayon. Si Aga ay ipinanganak sa Santa Cruz, Manila noong August 12, 1969. Sila ay siyam na magkakapatid, at maagang pinasok ni Aga ang pag-aartista. Dahil sa kaniyang naging acting career itinigil ni Aga ang kaniyang pag-aaral sa San Beda College upang makapag-focus siya sa kaniyang pag-aartista.

Photo credits: Aga Mulach | IG

Si Aga ay may dugong Spanish, German at Chinese, kitang-kita naman sa kaniya na talagang napaka-gwapo niya simula noon. Ang kaniyang kagwapuhan ang kaniyang naging puhunan sa pagpasok niya sa showbiz. Sa edad niyang 7 taong gulang pinasok na niya ang pagpe-pelikula, at ang una niyang naging pelikula noong 1975 ay ang ‘May Isang Tsuper ng Taksi’ at ‘Babaing Hiwalay sa Asawa’ noong taong 1976.

Photo credits: Aga Mulach | IG

Higit siya nakilala sa kaniyang naging pelikulang ‘Bagets’ at iyon na ang simula ng kaniyang kasikatan hanggang siya ay naging isang matinee idol. Maraming mga babae ang kinilig sa kaniyang napaka-charming na mukha at nakaka-kilig na dimples. Kaya bentang-benta ang kagwapuhan ng aktor sa kaniyang mga fans at kahit hanggang ngayon.

Photo credits: Aga Mulach | IG

Taong 2013, tumakbong bilang Congressman si Aga sa Bicol ngunit hindi siya pinalad na manalo. Nagkaroon rin sila ng relasyon ni Janice de Belen at nagbunga ang kanilang naging relasyon dahil biniyayaan sila ng anak, ito ay si Luigi Muhlach na kamukhang-kamukha ng aktor. Bata pa sina Janice at Aga nang magkaroon sila ng anak. Inalok ng kasal ni Aga si Janice, ngunit tinanggihan niya ito dahil mga bata pa raw sila. At ang kanilang naging pagsasama ay hindi rin nagtagal.

Photo credits: Aga Mulach | IG

Hanggang nagtagpo ang landas nila ng beauty queen na Charlene Gonzalez at sila ay kinasal noong May 2001. Ngayon, ay mayroon na silang dalawang anak na kambal na sina Atasha at Andres. Ang kagandahan at kagwapuhan ng kanilang mga anak ay halatang naman nila sa kanilang mga magulang.

Photo credits: Aga Mulach | IG

Photo credits: Aga Mulach | IG

Photo credits: Aga Mulach | IG

Magpa-hanggang ngayon kahit na may edad na si Aga, hindi pa rin kumukupas ang kaniyang kagwapuhan at tinitilian pa rin siya ng maraming mga kababaihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *