Actor na si JC De Vera, Tigil na sa Good Time, Isa na ngayong Responsableng Ama at Asawa : “Quit na ako ng mga Gimik…Good Time”

Ang aktor na si JC De Vera, ay maituturing na isa sa mga magagaling na aktor sa entertainment industry. Katulad rin ng iba pang mga artista, nasa hanay na rin ang aktor ng pagiging isang ama.

Proud na ibinahagi ng aktor ang kanyang pagiging first time dad sa kanyang 1 taong gulang na anak na si Baby Lana Athena, ito ang kanyang anak sa kanyang non-showbiz partner na si Rikkah Alyssa Cruz.

Photo credits: JC De Vera | IG

Ipinanganak si Baby Lana noon lamang May 2018. Sa mga Instagram post ni JC, tila makikitang nag-eenjoy siya sa pagiging isang ama sa kanyang anak. Madalas ito magbahagi ng kanilang mga masasayang bondings kasama ang kanyang anak at ang kanyang partner na si Rikkah.

Photo credits: JC De Vera | IG

Sa isa nga panayam ng PEP kay JC, sinabi niya tapos na ang mga panahong nag-eenjoy siya bilang isang “binata” hindi na raw siya mahilig gumimik at magsaya sa labas kasama ang kanyang mga kaibigan. Ayon kay JC, isa pa rin naman raw siyang hardworking na tao, yun nga lang naging family guy version lang.

Photo credits: JC De Vera | IG

Aminado si JC, na talagang ibang-iba na ang buhay niya ngayon sapagkat hands-on daddy siya sa kanyang pamilya lalo na’t kapag off niya sa kanyang trabaho.

“At mas serious ako sa ngayon kasi siyempre, yung responsibility ko on my shoulders, mas iba na compared dun sa before. It’s still the same, mas nadagdagan lang ng responsibility,” dagdag pa ng aktor.

Photo credits: JC De Vera | IG

Dahil ginugugol ng aktor ang kanyang oras para sa kanyang pamilya, kagaya na lamang ng pag-aalaga, paghahanda ng kanilang pagkain at ang pakikipag-bonding sa kanyang mag-ina. Lahat ng resposibilidad bilang isang ama ay ginagawa ni JC at naka-pokus siya ngayon bilang isang padre de pamilya.

“Mas naka-focus na ako on my responsibility on being a father, and being good husband sa asawa ko. Nabawasan lang yung ano, hindi na ako binata, hindi na ako, alam mo yun, puro akin.”
“Most of the time I spend it with my family. I cook for them, I take care of them, nilalabas ko sila, dinadala ko sila sa ibang lugar”.

“Yung buong buhay ko ngayon, umiikot sa kanila. And lahat ng purpose ko ngayon sa buhay ay lahat dahil sa kanila”.

Photo credits: JC De Vera | IG

Ang panayam na ito ng aktor, ay naganap noon lamang November 22, nang mag-attend siya ng kanilang media conference para sa kanyang darating na pelikula kasama ang aktres na si Roxanne Barcelo, ang “Love is Love”. Kung saan sa pelikulang ito gaganap si JC bilang isang motivational speaker at ang aktres naman na si Roxanne Barcelo ay isang transgender woman.

Photo credits: JC De Vera | IG

Sa naging panayam rin ng aktor, naitanong rin sa kanya kung ano ang kanyang magiging reaksiyon kung sakaling mangyari sa kanya sa totoong buhay ang kwento ng kanilang pelikula,

“The initial reaction siyempre, magagalit ka. Iyon yung initial, di ba? You’ll get disappointed, mad, angry, frustrated, pero I think if that’s real love, then itutuloy mo rin,” wika ni JC.

“Initially, magagalit ka talaga pero, for me, if it’s something real, ang kung iyon yung talagang nararamdaman ko is love, then it’s okay,” pagtatapos pa ng aktor.

“Love is Love”, ang kaabang-abang na pelikula ng aktor sa takilya sa direksiyon ni GB Sampedro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *