Zsa Zsa Padilla, Ipinasilip ang Angking Ganda ng Loob ng Casa Esperanza, ang Kanilang Napakaganda at Napakalawak na Farm sa Probinsya ng Quezon

Isa sa hinahangaan at tinitingalang personalidad sa industriya ng showbiz ang mahusay na singer at aktres na si Zsa Zsa Padilla. Marami ang humahanga kay Zsa Zsa dahil na rin nga sa kanyang taglay na talento. Maliban naman sa pagiging isang singer at aktres ay pinasok na rin ni Zsa Zsa ang mundo ng vlogging kung saan may sarili siyang YouTube Channel at dito nga mapapanood ang kanyang mga nakakatuwa at nakakainspire na mga videos.

Maliban sa pamamasyal ni Zsa Zsa at pagpapasilip ng kanyang buhay probinsya sa kanyang mga vlog, ay ibinibida rin ni Zsa Zsa ang napakaganda at napakalawak na farm house nila ng kanyang partner na si Conrad Onglao na matatagpuan sa Piis, Lucban, Quezon.

Kamakailan lamang nga ng buksan sa publiko ang kanilang napakagandang farm house na hango sa pangalan ni Zsa Zsa, ang Casa Esperanza. At tiyak nga na mag-eenjoy rito ang sinumang bumisita dahil talaga namang ramdam na ramdam ang sariwang hangin at tahimik na kapaligiran.

Sa maikling video naman na ibinahagi ni Zsa Zsa sa kanyang Youtube Channel nito lamang ika-22 ng Abril, ay ipinasilip niya ang kabuuan ng Casa Esperanza. Sa nasabing video ang inimbitahan ni Zsa Zsa ang publiko na bumisita sa kanilang lugar, dahil tiyak na mag-eenjoy ang mga bakasyunita sa napakagandang lugar at tanawin na hatid ng ipinagmamalaki nilang farm house na isa na rin ngayong private resort.

Sa promotional video na binuo ng Niceprint Photography ay masisilayan ang napakalawak na farm. At makikita na talagang napakaganda ng disenyong ginawa ng mahusay na architect na si Conrad sa bawat istraktura na may modern rustic architectural design. Sa kanilang farm house makikita ang napakagandang tanawin ng swimming pool, pavilion, mga casita, at may pond rin ito.

Napakasarap naman talaga magbakasyon rito, lalo na sa mga nature lover dahil sa kabuuan ay makikita ang mga puno at iba’t ibang luntian at makukulay na halaman. Tiyak rin na makakapag-relax at mapagmuni-muni sa lugar, dahil napakapresyo ng hangin at malayo sa anumang polusyon.

Masaya naman si Zsa Zsa na ibahagi na bukas na nga ito sa publiko, at maaari ng bumisita anumang oras upang maranasan rin ng mga bakasyunista ang sarap ng buhay probinsya sa Casa Esperanza.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *