Connect with us

Entertainment

Vin Abrenica at Sophie Albert, Masayang Ipinagdiwang ang First Month ni Baby Aviana, Pero Mejo Nahirapan sa Pagkuha ng Pictures

First time parents na sina Sophie Albert’s at Vin Abrenica, masayang ipinagdiwang ang first month old ng kanilang anak na si baby Aviana.

Sa instagram account ni Vin, ibinahagi nito ang isang maikli na video clip kung saan mapapanood ang naging simpleng pagdiriwang nila ng ika unang buwan ni baby Aviana sa kanilang tahanan.

Dahil first time parents si Vin at Sophie, naging mahirap sa kanila ang unang buwan dahil finifigure out pa nila kung paano nga ba ang tamang pag-aalaga ng isang sanggol. Halos isang buwan din mangiyak ngiyak sa pagod at puyat pero ayon sa mag-asawa, ito ang mga moments na gusto nilang echerish sa kanilang utak at ienjoy bawat sandali na inaalagaan nila ang kanilang sanggol na si Aviana.

Sa instagram post ni Vin sinabi nya dito na,

“Here’s a little of how our day went for Avianna’s first month, we had just a simple celebration at home. It’s has been an eventful month of ups and downs, tired days, sleepless nights, a lot of figuring things out, some tears, but hearts sooo extremely full. These are days we want to lock in our memories forever”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vin Abrenica (@vinabrenica)


Samantala, nagbahagi din si Sophie ng larawan ng kanyang anak at may caption na,

“Happy 1 month my little Avianna!! I love being your mommy and getting to know you and memorizing every detail of you. You are my everything, I love you sooo much “

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sophie Albert (@itssophiealbert)

Hindi matatawaran ang saya ng mag-asawa sa pagdating ng kanilang anak sa kanilang buhay. Matatandaan na patuloy ang pagpapatayo ng mag-asawa ng kanilang bahay para sa kanilang lumalaking pamilya.

Samantala, ifeneature naman ng mag-asawa sa kanilang latest youtube vlog ang naging photoshoot nila kay Aviana kung saan struggle sila sa pagkuha ng pictures dahil masyadong magalaw si Aviana. Narito ang nakakatuwang video nila.

 

error: Content is protected !!