Vhong Navarro, NagWalk- In Closet Tour at Ibinida ang Koleksyon Niya ng Magagara at Mamahaling mga Sapatos

Binigyang katuparan ni Vhong Navao ang kahilingan ng kanyang mga tagahanga na masilip ang kanyang closet, kung saan ay makikita ang napakarami niyang koleksyon ng mga sapatos.
Sa pamamagitan ng isang video vlog, na parte ng kanyang ginawang house tour, ay ipinasilip ng Vhong sa publiko ang kanyang closet. Makikita nga sa unang bahagi agad ng video, na sa tahanan niya ay mayroon talagang isang silid, na ang nilalaman lamang ay ang kanyang ngang mga sapatos na napakarami.

Ibinida agad ni Vhong ang isa sa kanyang mga sapatos, na ayon sa kanya ay nakapagpapatangkad sa kanya pag suot-suot niya. At maliban dito, ay ipinakita rin niya ang kanyang mga sapatos na pang basketball. Kabilang sa mga koleksyon ni Vhong, ay ang mga basketball shoes ng yumao ng sikat na basketbolista na si Kobe Bryant.

Credits: Vhong Navarro | Youtube 

May mga limited edition pa nga na sapatos si Vhong, katulad na lamang ng kanyang SpongeBob ang disenyong sapatos, at mayroon ding si Mr. Crab ang disenyo.
Samantala, ilan pa nga sa mga koleksyon na sapatos ni Vhong na galing sa kanyang mga sponsor, ay mga sapatos na may Toy Story, Nintendo at Disney na disenyo.

Credits: Vhong Navarro | Youtube 

May kamangha-mangha pa ngang taguan ng sapatos ang TV host at komedyante, dahil sa likod pala ng kanyang wall mirror, ay ang isang tila ‘secret door’ na pag itong ini-slide pa kanan ay magbubukas at tatambad nga sa iyo ang isang hagdan na may mga drawer na nilalagyan din ng sapatos ni Vhong.

Dito nga nakatago ang mga sapatos ni Vhong na may mga disenyo ng mga naging karakter niya sa mga pinagbidahan niyang pelikula, tulad na nga lamang Gagamboy at Lastikman.
Sa mga drawer nga ng hagdan at nakatago pa ang napakaraming ‘customized shoes’ ni Vhong na talaga namang nakakabilib ang mga disenyo. Kabilang din sa mga nakatago dito, ay ang kanyang nga sapatos na ‘Starwars collection’.

\

Credits: Vhong Navarro | Youtube 

Nang maabot na nga ni Vhong ang dulo ng hagdan, ay hindi aakalain na ang ikalawang palapag pala ay puno pa rin ng mga iba’t ibang sapatos niya.
Ilan sa mga brand ng sapatos ni Vhong ay Dior, Element, Balenciaga, Converse, Nike at marami pa ngang iba.

Ipinakita rin ni Vhong ang mga paborito niyang sapatos, na ginamit niya sa kanyang mga pelikula.

Credits: Vhong Navarro | Youtube 

Maliban sa kanyang mga sapatos, ay makikita rin sa closet room ni Vhong ang mga koleksyon niya ng relo at mga shades.
Nang ipasilip naman ng TV host ang mga lagayan niya ng damit ay makikita naman ang pagiging organize nito, mula sa mga ginagamit niya sa It’s Showtime hanggang sa isang cabinet niya na puro leather jackets naman niya ang nilalaman.

Kitang-kita nga sa naging pagpapasilip ni Vhong ng kanyang closet na napakalawak at napakalaki nito. At hind inga kataka-taka na mapundar niya ang ganito kadaming mga koleksyon niya ng sapatos, damit, relo at shades, dahil talaga naman na isa siya sa mga mahuhusay na komedyante sa showbiz na nagkaroon na ng napakaraming mga malalaking proyekto na pumatok sa takilya.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *