Vandolph Quizon, Proud sa Pagiging Isang Loyal na Asawa sa kanyang Napakagandang Misis; Ayaw Matulad sa kanyang Ama na Maraming Nakarelasyon

Ang anak ng Comedy King na si Dolphy Quizon at aktres na si Alma Moreno na si Vandolph Quizon ay isa ng family man ngayon. At bilang isang butihin at ulirang haligi ng tahanan, ay talagang mahal na mahal niya ang kanyang asawa at mga anak.

Si Vandolph nga, ay proud na isa siyang loyal na asawa sa kanyang napakagandang misis na si Jenny. Ito nga ay dahil ayaw niyang matulad sa kanyang ama na si Dolphy na maraming nakarelasyon at nagkaroon ng maraming anak.

Habang lumalaki ay kanya ng nasaksihan kung anong uri ng pamilya meron sila. Ang kanyang ama ay may iba’t ibang pamilya dahilan upang magkaroon siya ng maraming kapatid sa labas. Bagama’t, lumaking hindi nakagisnan ang matatawag na “ideal family”, hindi naman ng tanim ng kahit na anong sama ng loob si Vandolph sa kanyang mga magulang. Makikita naman kasi na kahit marami siyang kapatid sa labas, ay maayos naman ang pagpapalaki sa kanila.

At ngayon nga na nakabuo na rin siya ng kanyang sariling pamilya, ay masaya siya dahil buo ang kanyang pamilya. At nangako siya sa kanyang sarili, na ang pamilya na kanyang nabuo ay mananatiling masaya ang samahan at nagmamahalan sa loob ng kanilang tahanan.

Photo credits: vitovandolf | IG

Sa madaling salita nga, ay napakaloyal ni Vandolph sa kanyang asawang si Jenny dahil hindi na siya maghahanap pa ng ibang pamilya. Hindi naman ito maikakaila, dahil ang samahan nilang dalawa bilang mag-asawa, ay sinubok na ng panahon. Kaya naman, anumang pagsubok at problema ang dumating sa kanilang pagsasama ay nanaig ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Photo credits: vitovandolf | IG

Photo credits: vitovandolf | IG

Ikinasal sina Vandolph at Jenny noong Disyembre 2007 sa Notre Dame Devi Chapelle na matatagpuan sa Fernbrook Gardens Portifino South Daang Reyna sa lungsod ng Las Piñas. Nabiyayaan naman ang kanilang pagmamahalan ng dalawang anak, sina Vito Vann at Gabrielle Avante.

Photo credits: vitovandolf | IG

At upang maging matatag ang kanilang samahan bilang mag-asawa, ang isa sa kanilang sikreto ay pagiging loyal at malambing sa isa’t isa. Sa loob nga ng halos 15 taong pagsasama, ay talagang naging masaya ang kanilang pamilya. Ang tanging nasa isip nga nilang mag-asawa ang kapakanan ng kanilang mga anak.

Photo credits: vitovandolf | IG

Ayon nga kay Vandolph, ay ayaw niyang lumaki sa isang broken family ang kanyang mga anak. Kaya naman, ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang maging matatag at pangalagaan ang pamilyang pinaghirapan nilang mabuo ng kanyang asawa.

Photo credits: vitovandolf | IG

Malaki rin ang paniniwala ni Vandolph na kapag ang mga anak ay lumaki sa isang masayang pamilya, ay nagiging bukas ang mga ito na lumapit sa kanila bilang mga magulang sa tuwing may kinakaharap na problema ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *