Toni Fowler, Pinamangha Pa Lalo ang mga Netizens sa Taglay Niyang Kagandahan sa New Look Niya Ngayon

Sinorpresa ng dancer-turned-content creator na si Toni Fowler o mas kilalang si Mommy Oni ang kanyang mga tagahanga ng ibandera niya sa kanyang Instagram account ang nakakamangha sa gandang new look niya ngayon.
Mula kasi sa pagkakaroon ng mahabang buhok ay pina-bald style niya ang kanyang buhok na nagbigay sa kanya ng “rock” awra.

Noon ngang lumipas na ika-13 ng Abril, araw ng Martes ay ibinahagi ni Toni Fowler sa kanyang Instagram account ang kanyang larawan, kung saan ay makikita na ang kanyang new awra at looks ngayon. Ibinandera nga ng content creator ang larawan nila ng kanyang best friend na si Unicorn Arellano, at makikita nga sa larawan ang pagiging twinning nila hindi lang sa style ng outfit kundi maging sa new looks nila.

“Happy Birthday bhi3 @unicornlangpo [egg emoji]”, ang naging caption ni Toni, na naging pagbati na nga rin niya para sa kaarawan ng matalik na kaibigan.

Makikita naman sa hiwalay niyang post noong araw ng Huwebes, ika-15 ng Abril ang pagbabahagi naman niya ng kanyang solo photo kung saan siya’y nakasupt ng purple collar blouse at brown short, habang nakaupong inaawra ang kanyang ganda.

Ang larawan niyang ito ay nilakipan naman niya ng caption na;

“I am strong, I am beautiful, I am ENOUGH. [purple heart emoji]”

Nang araw ding iyon sa kanyang vlog at Facebook at YouTube ay kanyang ibinahagi na ang kaibigan niyang si Unicorn ang nasa likod kung bakit niya nagawang magdesisyon na baguhin ang kanyang ‘look’.

Ayon nga sa matalik na kaibigan ni Toni na si Unicorn, naniniwala si Toni sa kasabihan na, “Tablahin mo na lahat, kahit sino, wag lang sa araw ng birthday niya.” At ito na nga ang nagbigay ng lakas ng loob kay Unicorn na i-shave ang buhok ni Toni.

Inamin naman ni Toni sa vlog niyang ito, na noon pang nakaraang taon ay gusto na talaga niyang pagupitan ang kanyang mahabang buhok ng may pagka-bald, ngunit hindi niya ito nagawa dahil sa hindi sumang-ayon ang dati niyang boyfriend sapagkat ayaw umano nito ng bald looks girlfriend.

“Ok lang naman, kaya ko magpakalb, o e. Actually, dati talaga gusto ko talagang gawin na magpakalbo. Kaso nga lang, naalala ko dati sabi ng ex ko hindi daw niya kaya na may jowa siyang kalbo”, chika ni Toni.
Dagdag pa niya, “E, ngayon wala naman akong jowa, so magkakalbo na lang ako.”

Sa huling parte ng kanyang vlog, ay sinabi ni Toni kung ano ang mga naging reaksyon ng kanyang pamilya ng makita ng mga ito ang kanyang bald looks, kung saan ang kanyang kapatid na si Mari ay kinumpara ang kanyang “looks” kay Amber Rose, isang kilalang American TV personality at pagdating naman sa reaksyon ng kanyang anak ay sinabi niya na gustong gusto nito ang new looks niya ngayon.

Kung noon nga ay astigin ng tingnan si Toni sa kanyang long hair, ay mas lalo pa nga siyang naging astig tingnan ngayon sa kanyang bald look.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *