Silipin, Mala-dyosang Kagandahan ng Aktres na si Ara Mina sa Prenup Photoshoot nila ng Kanyang Non-showbiz Fiancee na si Dave Almarinez na Kuha sa Palawan

Natupad ang pinapangarap na prenup photoshoot ng aktres na si Ara Mina para sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila ng kanyang non-showbiz fiancee na si Dabe Almarinez.

Nito lamang ika-28 ng Abril, araw ng Miyerkules, ay proud na ibinahagi ni Ara Mina ang naggagandahang kuha ng mga larawan sa kanilang prenup photoshoot ng kanyang fiancee.

Makikita sa bawat larawan na tila ba nasa isang paraiso ang soon to be husband and wife sa ganda ng masisilayang tanawin. Samantala, kasabay naman ng kanilang mga kahanga-hangang larawan, ay mababakas sa titig ng bawat isa ang init ng kanilang pagmamahalan na nasaksihan ng napakagandang tanawin na taglay ng karagatan.

Ang drean prenup photo shoot na ito ay nakunan sa Sunlight Eco Tourism Island Resort sa Culion, Palawan. Isang napakagandang lugar, para sa dalawang pusong nagmamahalan. Sa suot nga ni Ara na white gown, at napakaganda niyang pagmasdan na tila na isang dyosa ng kagandahan. Samantalang, ang fiancee niya ay suot naman ang isang pink coat na bumagay rin sa white gown ng aktres.

Kalakip naman ng kanilang mga sweet photos para sa kanilang prenuo photoshoot, ay isang matalinhagang mga kataga naman ang naging caption ni Ara Mina sa kanyang post sa Instagram.

“When a man truly loves a woman she becomes his weakness. When a woman truly loves a man he becomes her strength. This is called exchanges of power.”

Masasabi nga ba ito na ang pinakahihintya ni Ara sa kanyang buhay, ang maikasal sa taong mahal na mahal niya, at mahal na mahal rin siya.

Binigyang katuparan naman mahusay na photographer ang dream prenup photo shoot ni Ara ng Niceprint photography. At sa kanilang Instagram page, ay ibinahagi naman ang isang larawan kung saan makikitang nakasuot ng swimsuit si Ara Mina. Hindi naman maikakaila na napakaseksi at taglay parin nito ang magandang hubog ng katawan. Patunay nga nito, na lumipas man ang panahon, ay kabilang parin siya sa minsang binansagang “Pantasya ng Bayan”.

Ang 41 taong gulang na si Ara Mina ay naengaged noong nakaraang buwan ng Enero tanong kasalukuyan sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Dave Almarinez, 46 taong gulang, na CEO ng Philippine International Trading Corporation. At ang matamis na “oo”ay ibinigay ng “FPJ Ang Probinsyano star na si Ara Mina, matapos ang dalawang taong relasyon bilang magkasintahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *