Ito na Ngayon ang Buhay ng Dating Aktor na si Christopher Peralta Matapos Iwan ang Kanyang Career sa Showbiz

Kinilala si Kristopher Peralta na isa sa mga rising stars noong dekada 90’s, 13 taon gulang palang sya noong pumasok sya sa pagiging artista kung saan lumabas sya sa ilang mga kapamilya shows noon kagaya ng Tabing Ilog at Gimik, na patok na patok sa mga teenager noon.

Naging parte din si Kristopher at lumabas sa ilang mga pelikula katulad ng Mystrio (Uno… dos… tres pilyos!), Ang TV Movie, Asero, Nagbibinata and Now That I Found You.

2007 ng mag desisyon si Kristopher na iwan ang showbiz at manirahan ng pribado kung saan nag desisyon sya at ang kanyang asawang si Carla Angkee na manirahan sa Davao kung saan silang dalawa nag kakilala at nagmahalan. Ayon sa aktor na sobrang nainlove sya sa ganda ng Davao kaya naman binalik balikan niya ito hanggang nakilala niya dito ang kanyang asawa.

Photo credits: google.com

Ayon sa dating Aktor,

“It was in November 2012 when we settled here in Davao. But as far as 2003 when I was still active in motocross I kept coming back here,”

Photo credits: google.com

Binahagi din ng dating aktor na mas gusto diumano ng kanyang asawa na manirahan sa Manila ngunit giniit ni Kristopher na masyadong stressfull sa manila at masyadong maraming problema kaya kung maari ay subukan muna nilang manirahan sa Davao.

“Manila is very stressful, traffic, marami problema, While Davao is very laidback, I really like it here,”

Photo credits: google.com

Makalipas ang ilang taon na paninirahan sa Davao, nakapag established ng negosyo ang mag-asawa kung saan nakapag tayo sila ng ready-to-wear business, kung saan sila ay nageexport ng mga over-runs sa isa sa mga sikat na shopping malls sa Manila. Bago pa man iwan ni Kristopher ang pag-aartista ay nakapag pundar na diumano ito ng mga negosyo katulad ng City Jam Bar na matatagpuan sa Katipunan sa Quezon City at billard hall and restaurant naman sa Cabanatuan City. Isa din sa mga pinasok ng dating aktor ay ang pagbebenta ng mga spare parts ng 4×4 na sasakyan.

Photo credits: google.com

Gusto din diumano ng dating aktor na pasukin ang pag fafarming dahil matagal na nya itong gusto. Nang tanongin ang dating aktor na kung may plano pa itong bumalik sa showbiz ay agad naman itong sumagot na depende at may posibilidad dahil may mga offer pa din sakanya na dumarating.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *