Silipin ang mga Naggagandahan at Mamahaling Plants Collection ni Jinkee Pacquiao na Makikita sa Kanilang Mansiyon sa General Santos City

Pagdating nga sa pagiging plantita na hilig ang mangolekta ng mga naggagandahan at mamahaling halaman, ay kabilang sa listahan ang maybahay ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao. Makikita nga sa social media ni Jinkee na madalas niyang ibahagi ang kanyang mga magagandang plants collection na hindi biro ang halaga.

At ngayon nga, ay mas lalo pa nating masisilayang mabuti at malalaman rin ang presyo ng ilan sa mga koleksyon ni Jinkee sa vlog ng ABS-CBN sportscaster na si Dyan Castillejo. Ipinasilip nga ni Dyan sa mga viewers ang plants collection ni Jinkee sa kanilang mansiyon na matatagpuan sa General Santos City na ngayon nga, ay sadyang napakaganda kumpara noong unang nakita niya ito.

Ayon nga sa journalist, ay kakaiba na raw ang hitsura ng baskteball court ngayon. Dahil noong unang makita niya ang lugar ay wala itong kahit anumang halamang makikita dito. Ngunit, sa nagdaang quarantine ay nagsimula na nga si Jinkee na lagyan ito ng iba’t ibang klase ng magaganda at makukulay na halaman.

“Dati parang open ‘yung basketball court. When you come in, makikita mo agad ‘yung basketball court hindi tulad ngayon,”pahayag ni Dyan.

At ang nasa likod nga ng kahanga-hangang tanawin na masisilayan ngayon sa kabuuan ng mansiyon ng pamilya Pacquiao sa GenSan ay ang katauhan ni Roize Royal na may-ari at managing director ng isang landscape and design firm. Nagbigay nga ng ilang impormasyon si Roize sa kanyang ginawang disenyo upang mapagawa ang mansiyon.

Ayon nga kay Roize, sa tuwing may laban si Manny sa ibang bansa, ay madalas siyang tawagan ni Jinkee upang ayosin at pagandahin ang kapaligiran sa kanilang tahanan sa Gensan.

Sadyang napakaganda nga ng kapaligirang masisilayan sa mansiyon. Ang dating basketball court ni Manny na dati’y walang anumang halamang makikita, ngayon nga ay may desinyo na tropical-themed garden. Samantalang ang loob at labas naman ng tinatawag na Bulwagan kung saan tumatanggap ng bisita sina Manny, ngayon ay may napakaganda namang disenyo na Japanese-styled garden.

“This is the area that has really improved. One of the areas na talagang nag-level up dito sa mansion two of Manny and Jinkee dito sa GenSan — this area that leads to the main house. So talagang pinaganda itong area,”humahangang pahayag ni Dyan.

Ibinahagi naman ni Roize na ang ilan nga sa mga halaman ay may mamahaling halaga, katulad na namang ng isang giant bonsai na nagkakahalaga umano ng P100,000. Ang ilan naman, ay madali lamang hanapin sa kanilang probinsya sa Mindanao kung kaya’t murang halaga naman nilang nabili.

Inilibot rin ni Dyan ang mga viewers sa iba pang bahagi ng mansiyon kung saan makikita naman ang iba pang luntian at makukulay na halaman at mga bulaklak.
YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *