Connect with us

Entertainment

Silipin ang Kahanga hanga at Makapigil Hiningang Tanawin sa Bahay ng Team Kramer sa Antipolo

Ang mag-asawang Cheska Garcia at Doug Kramer, ay talagang hinahangaan ng marami dahil sa kanilang masayang pamilya. At ang kanilang masayang pamilya, ay binibigyang saya at kulay ng kanilang tatlong anak na sina Kendra, Scatlett, at Gavin.

At sa likod ng kanilang masayang pamilya, ay isa ring napakagandang tahanan na taglay ang makapigil hiningang tanawin. Napakasarap naman talagang tumira sa isang bahay, na hindi lamang sa loob may angking ganda kundi maging ang tanawin sa labas ay kahanga-hanga rin.

Photo credits: Dough Kramer | IG

Ang napakagandang 3-storey house ng pamilya Kramer ay matatagpuan sa tuktok ng bundok sa Antipolo City. At dahil nga, nasa mataas na bahagi ang lokasyon ng kanilang tahanan, ay talagang masisilayan ang napakagandang tanawin mula sa terrace ng kanilang tahanan. Tunay nga na walang katumbas na salita ang hatid ng ganda ng view kapag ang bahay ay nasa tuktok ng kabundukan.

Photo credits: Dough Kramer | IG

Ang kanilang pamilya nga, ay masayang inienjoy ang ganda ng tanawin na hatid ng malawak na kalangitan, kung saan ay nasisilayan nila ang pagbabago nito mula umaga hanggang sa pagsapit ng gabi.

Photo credits: Dough Kramer | IG

At kahit nga nasa loob pa ng kanilang living room ay tanaw parin ang ganda ng kalangitan,na masisilayan mula sa mga salaming bintana ng bahay. Sa isang Instagram post nga, ay ibinahagi ni Cheska ang isang nakakamanghang larawan ng kalangitan na kuha mula sa kanilang living room. Caption nga ng celebrity mom sa kanyang post:

“In awe of the vivid colors that greeted me as I walked in our home”

Photo credits: Dough Kramer | IG

Masasabi nga na kahit nasa loob sila ng kanilang tahanan, ay tila ba nasa paraiso rin ang kanilang pakiramdam. Tunay na isang kahanga-hangang likha ng Maykapal.

“Wonderful work by our Majestic Creator,”dagdag pa ng aktres.

Paglabas naman sa kanilang pool area, ay mas lalo namang kahanga-hanga ang tanawin. Ang kanilang infinity pool nga, ay tila ba naparehasan ng ganda ng kalikasan lalo na nga pagsapit ng paglubog ng araw, na animo’y nakikisama talaga sa ganda ng kanilang tahanan. Tanaw na tanaw nga sa ibabang bahagi ng kanilang pool area ang malawak na lungsod at liwanag na nagmumula sa mga gusali pagsapit ng gabi.

Photo credits: Dough Kramer | IG

Sa araw naman, ay napakaaliwalas tingnan ng kapaligiran, at preskong-preskong ang hanging mararamdaman rito. Walang duda na talagang nag-eenjoy sa kanilang bonding moments ang mga anak nina Doug at Cheska.

Photo credits: Dough Kramer | IG

Samantala, bago pa man makamit ng mag-asawang Doug at Cheska ang kanilang dream house, ay hindi naman madali ang kanilang pinagdaanan. Sa katunayan nga nito, ay ilang taon rin silang walang sariling bahay at nangungupahan lang. Ngunit, dahil sa kanilang sipag at tiyaga, ay bumuhos sa kanilang buhay ang mga biyaya. Nagkaroon sila ng kaliwa’t kanang endorsement, at isa rin ang kanilang pamilya sa kilala at matagumpay na YouTuber sa bansa ngayon. Ang lahat nga ng kanilang pagsisikap ay nagbunga, kung saan ay tinatamasa na ng kanilang pamilya ang tamis ng tagumpay at marangyang pamumuhay ngayon.

error: Content is protected !!