Silipin ang Humble Home ng Singer na si Kitchie Nadal sa Spain na Nagsisilbing Tahanan nila ng Kanyang Spanish Husband

Ang sikat na singer na si Kitchie Nadal, ay masayang namumuhay ngayon sa Spain kapiling ng kanyang Spanish husband na si Carlos Lopez. Sila ay ikinasal noong taong 2015, at matapos ang dalawang taon, ay isinilang na nga ni Kitchie ang kanilang panganay na anak.

Habang tahimik at masayang namumuhay sa Spain, ay patuloy naman ang pagbibigay niya ng updates sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube Channel.

Sa latest vlog ng singer na si Kitchie Nadal, ay ipinasilip niya sa kanyang mga tagahanga ang nagsisilbing tahanan nila ng kanyang asawang si Carlos kasama ang kanilang anak sa Spain.

Pagbukas sa pinto ng humble home ng pamilya ng singer ay bubungad agad ang dining area kung saan mula rito ay matatanaw ang napakagandang tanawin na hatid ng pool area. At ayon nga sa singer, ay napakaganda umano nito lalo na pag summer kung saan ang madalas nga nilang gawin ay maligo upang maibsan ang init.

Katabi naman ng dining area, ang isang Christmas tree kung saan makikitang nakasabit ang larawan ng kanilang mga kamag-anak mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Kalapit naman nito ang isang built-in shelf kung saan nakalagay ang mga libro, mga larawan at iba’t ibang klase ng artworks mula sa magkakaibang lugar.

Ipinakita naman ni Kitchie Nadal ang kanyang studio na malapit sa salas. Dito makikita ang iba’t ibang musical instruments. At ibinahagi nga ng singer na ang isang gitara ay bigay sa kanya ni Isabelle Gonzalez na anak ni Kuh Ledesma.

Habang naghahanda naman ng pagkain sa kanilang munting kusina, ay ibinunyag ni Kitchie na malaki ang pagkahilig ng kanyang asawa sa kanin. Kung noon raw, ay hindi nito pinapansin ang kanin, ngayon nga ay naghahanap na ito ng kanin.

Sa 2nd floor naman matatagpuan ang office ni Carlos. Ayon kay Kitchie, ay magkatabi sana ang office nito at studio niya, ngunit dahil nga maingay siya, ay hindi makafocus ang kanyang asawa kung kaya’t inihiwalay niya ito.

Kapansin-pansin naman na sadyang napakasimple ng kanilang tahanan at walang masyadong makikitang gamit. Ang bagay na ito ay ipinaliwanag naman ni Kitchie. Ayon nga sa singer, ay pareho silang minimalist ng kanyang asawa. At hindi hilig bumili ng gamit sa bahay, kung bibili man ay pinag-iisipan nila itong mabuti kung ito ba’y kailangang bilhin upang magamit para sa kanilang bahay.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *