Silipin ang 8 na Pinakamagandang Bahay ng Mga Sikat na Artista na May Pamilya na sa Showbiz na Bunga ng Kanilang Pagsisikap

Ang bawat isa sa atin ay talagang pangarap ang magkaroon ng isang napakagandang bahay para sa ating pamilya. Isang bahay na magsisilbing tahanan ng ating pamilya kung saan tayo bubuo ng masasayang alaala. At para makamit ang pangarap na ito, ay talagang nagsusumikap tayo at ginagawa ang lahat para mabigyan ng magandang tahanan ang ating pamilya.

Katulad na lamang nga ng mga sikat na artistang ito sa showbiz na may pamilya na, na nagmamay-ari ng napakagandang bahay na kanilang pinagsumikapang maipundar.

1. Doug Kramer at Cheska Garcia

Ang 36 taong gulang na si Doug Kramer ay dating PBA basketball player, habang ang asawa naman nitong si Cheska Garcia ay 39 taong gulang na isang aktres at modelo. Taong 2008 nang ikasal ang dalawa at ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaan ng tatlong anak.

Ngayon nga, ay masayang naninirahan ang kanilang pamilya sa kanilang dream house na matatagpuan sa tuktok ng Angono, Rizal kung saan mapapalibotan ng mga puno. At matatanaw rin ang napakagandang tanawin na hatid ng Metro Manila. Ang napakagandang bahay na ito, ay may 4 na palapag may lawak na 550 sqm.

Ito naman ay may disenyo ng pinaghalong kulay ng black, brown at gray. May automatie features rin ito tulad ng pag-control ng aircon at ilaw. Bukod nga rito, ay may elevator rin ito at infinity pool.

2. Eddie Gutierrez at Anabelle Rama

Ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Anabelle Rama ay ikinasal noong taong 1980 at ang kanilang pag-iibigan ay biniyayaan ng anim na anak. Talagang kilala at tinitingala ng publiko ang kanilang pamilya, isa nga sa rason nito ay ang taglay nilang kayamanan kung saan ay may napakaganda at napakalaki silang bahay.

Ang bahay na matatagpuan sa White Plains, Quezon ay may lawak na 660 sqm na nabili nila taong 1987. Ang bahay na ito ay may dalawang palapag ay sadyang napakaganda sa minimalist nitong disenyo na may mamahaling mga kagamitan, at may sarili ring swimming pool.

3. Zsa Zsa Padilla

Ang 56 na taong gulang na aktres at singer na si Zsa Zsa Padilla at partner nitong si Conras Onglao ay tumira sa isang napakagandang bahay na may tatlong palapag na matatagpuan sa isang exclusive subdivision sa Makati City. Sadyang napakaganda ng bahay na ito na may modern Asian design ay mismong si Conrad ang nagdisenyo na talaga namang isang mahusay na architect.

4. Manny at Jinkee Pacquiao

Ang Pambansang Kamao at ngayon nga ay isa na ring Senador na si Manny Pacquiao at asawa nitong si Jinkee Pacquiao, ay isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa kung saan nagmamay-ari ng iba’t ibang property. Isa na nga rito ang kanilang napakagandang mansiyon na matatagpuan sa General Santos City kung saan lumaki si Manny.

Ikinasal sina Manny at Jinkee noong taong 2000, at ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaan ng 5 anak. Ang kanilang napakagandang bahay naman sa Gensan ay ipinatayo noong taong 2012 sa isang compound kung saan doon rin naninirahan ang iba pang kamag-anak ni Manny. Ang nasabing bahay ay napakaganda at napakalawak na may mediterranean na disenyo kung saan,ay may sarili ring basketball court at swimming pool.

5. Richard Gomez at Lucy Torres

Ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres na dating mga artista, ngayon nga ay nasa larangan na ng politika. Si Richard ay kasalukuyang mayor ng Ormoc City sa probinsya ng Leyte. Samantalang si Lucy ay Congresswoman sa 4th District ng Leyte.

Matapos maikasal noong 1998 ay biniyayaan naman ng isang babaeng anak ang kanilang pagsasama. Sa pinakamahal na subdivision sa bansa nakabili ng bahay at lupa ang mag-asawa noong 2003. At ito nga ay ang napakagandang bahay na matatagpuan sa Forbes Park sa Quezon City. Dito sila nagpasyang bumili ng bahay dahil habang tumatagal ay tumaas ang presyo ng bahay, na halos doble na ang halaga kapag ibenta. Napakaganda naman talagang investment ito. Napakaganda namang tingnan ng dalawang palapag na bahay na ito na napakaelegante sa disenyo nitong kulay puti.

6. Pokwang

Ang komedyante at singer na si Pokwang ay napakapagpundar ng isang napakagandang bahay na may apat na palapag ay matatagpuan sa Antipolo city noong 2012.

Mapalad namang natagpuan ni Pokwang ang masayang buhay pag-ibig noong 2015 sa katauhan ng kanyang partner ngayon na si Lee O’Brian. At noong 2018 naman nang isilang ni Pokwang ang panganay nilang anak na si Malia. Ang napakagandang bahay ni Pokwang ay may modernong disenyo na napapalamutian ng mga salamin ang bintana at dingding.

7. Nikki Gil

Ang aktres at singer na si Nikki Gil ay nakapagpundar ng isang napakagandang bahay na may tatlong palapag sa exclusive village na matatagpuan sa Las Piñas City. Ikinasal naman si Nikki sa kanyang businessman husband na si BJ Albert noong 2015.

Magmula noon, ay nagpasya na si Nikki na iwan ang showbiz ay magpokus na lamang sa kanilang pamilya, na ngayon ay malapit nang maging dalawa ang kanilang supling. Nang mabili nila ang bahay ay may dalawang palapag lamang ito, ngunit kanilang pinadagdagan. Napakaganda rin ng loob ng bahay dahil mismong Mommy Julie ni Nikki ang nagdisenyo na nakapag-aral ng interior design.

8. Anne Curtis at Erwan Heussaff

Ang 35 taong gulang na aktres at TV host na si Anne Curtis at asawa nitong si Erwan Heussaff na isang chef at vlogger, ay may napakaganda ring bahay. Taong 2012 nang ikasal ang dalawa sa New Zealand at ngayon nga ay may isang anak na. Ang napakagandang bahay nila ay matatagpuan sa exclusive subdivision sa Muntinlupa City. Ito ay may classic American look design na naayon naman sa tema mga bahay na makikita sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *