Sila Pala ang mga Artista na Mayroong mga Adopted na Anak sa Kanilang Pamilya

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami sa atin, na ilan sa ating mga iniidolong showbiz couple o celebrity ay mayroong mga adopted children. At ang pag-adopt nga nila sa mga ito ay iba-iba ang kanilang dahilan, ngunit magkaganon man ay makikita naman natin na ito’y talagang minahal nila na parang isang tunay na anak.

Tingnan sa Gallery na ito, ang mga artista na may mga adopted children na talaga namang mahal na mahal nila.

Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto sa Anak Nilang si Kiel

Bago nagpakasal ang celebrity couple na sina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa noong Enero taong 2011, ay in-adopt nila ang isang baby boy, at ito nga ay ang kanilang panganay na anak ngayon na si Kristian Daniel o Kiel. Noong una, ay Orielle ang gamit na apelyido ni Kiel, kung saan ito ang tunay na apelyido ni Kristine sa pagkadalaga.

Sa kabila ng pagiging adopted, ay hindi naman ito mapaghahalata, dahil nang lumaki na si Kiel ay malaki na ang pagkakahawig nito sa mag-asawang Oyo at Kristine.

Matatandaan na unang lumabas ang balita na pagkakaroon ng ampon ni Kristine Hermosa, sa isang interview ng kanya ng mother-in-law ngayon na si Dina Bonevie, kung saan ay sinabi nga nito na isang araw ay umuwi nalang si Kristine, na may dala-dalang sanggol at ayon nga sa aktres ito ay ibinigay sa kanya ng Victory Christian Fellowship.

Christopher De Leon at Nora Aunor sa Anak Nilang Sina Lotlot at Matet De Leon

Ikinasal noong ika-25 ng Enero taong 1975 sina Christopher “Boyet” De Leon at Nora “Ate Guy” Aunor sa isang civil wedding ceremony. Ang pagsasama nilang mag-asawa, ay nagbunga ng isang anak at ito nga ay ang kanilang biological child na si Ian Kristoffer de Leon.

Sa kabila naman ng pagkakaroon nila ng isang anak, ay pinili nina Boyet at ate Guy na mag-adopt, kung saan ito nga ay sina Lotlot at Matet De Leon, na ngayon ay pareho na ring nasa industriya ng showbiz.
Ayon sa ulat, bago pa man ikinasal si Nora Aunor kay Christopher De Leon noong taong 1975 ay nasa buhay na nito si Lotlot, kung saan sa parehong taon rin na iyon ay isinilang ni Ate Guy ang anak nila nila ni Boyet, na si Ian Kristoffer.

Samantala, si Matet De Leon naman ay napunta sa poder ng mag-asawa, ng dalhin ito ng ina ni Ate Guy na si Antonia Cabaltera o mas kilala bilang si Nanay Tunying sa kanya. Ang tunay ngang pangalan ni Matet at Maria Teresa.

Maliban kana Matet at Lotlot, ay may dalawa pang lalaking inampon ang pamilya, ito nga ay sina Kiko at Kenneth. Makikita nga sa isang larawan na magkakasama ang magkakapatid, kasama ang kani-kanilang asawa, kung saan ito ay kinunan umano noong taong 2018.

Federico at German Moreno

Batid ng publiko na ang yumaong Master Showman na si German Moreno o mas kilala bilang si Kuya Germs ay mayroong adopted son, at ito nga ay si Federiko.
Limitado naman ang mga detalye at impormasyon patungkol sa naging pag-ampon ni Kuya Germs kay Federico. Ngunit, ayon sa mga ulat, ay mayroong apat na apo si Kuya Germs sa adopted son niyang si Federico, at ito ay sina Jorel, Franchesca, Gabby at Raffy.

Mag-asawang Judy Ann at Ryan Agoncillo sa Anak Nilang si Yohan

Hindi pa man nagpapakasal si Judy Ann sa kanyang mister ngayon na si Ryan Agoncillo ay ina-adopt na ng tinaguriang drama queen si Yohan.

Sa isang panayam noon sa aktres, ay kanyang inilahad na noong siya ay 26-taong gulang pa lamang ay talagang nais na niya magkaroon ng anak, dahil tingin niya ay handa na siya magkaroon ng anak ng mga panahong iyon. Dumating nga sa kanyang buhay si Yohan, ngunit naging opisyal ang pag-adopt niya dito ng ito’y dalawang taong gulang na at siya naman ay 28-taong gulang na.

Samantala, nang magpakasal nga si Juday sa kanyang mister na ngayon na si Ryan Agoncillo, isang actor-host noong ika-28 ng Abril taong 2009, ay tuluyan na ring in-adopt ni Ryan si Yohan. Ito nga ay upang maging ganap na Agoncillo ito, at parte ng kanilang binuong pamilya.

Hindi naman naging mahirap kay Ryan na tanggapin si Yohan bilang anak, dahil tumayo na siyang ama nito, mula ng maging nobyo siya ni Juday at maging parte ng buhay nito.
Sa ngayon nga ay isa ng legitimate child ng mag-asawang Juday at Ryan si Yohan, matapos maging opisyal at legal ang adaptation papers ni Yohan bilang isang Agoncillo, noong taong 2014.

Claudine Baretto at Raymart Santiago

Ang dating mag-asawa na sina Claudine Baretto at Raymart Santiago, ay nagkaroon din ng adopted child, at ito nga ay si Sabina Natasha.

Ngunit batid rin naman ng marami, na mayroon ding biological child ang dating mag-asawa, at ito nga ay ang kanilang anak na lalaki na si Rodrigo Santino.

Matatandaan na ng maghiwalay ang mag-asawa noong taong 2013, ay nag-file ng sole custody case si Raymart, ngunit ito’y pinawalang bisa ng korte noong buwan ng Marso taong 2015.

Samantala, marahil dahil sa pagiging bunso ni Claudine sa pitong magkakapatid ay nahilig siya sa mga bata, kaya naman minsan ng binuksan ng aktres ang kanyang tahanan upang maging half-way home para sa mga rescued infants, sa pakikipagtulungan niya sa isang non-government organization.

Muli namang nag-adopt si Claudine noong taong 2017, at ito nga ay ang kanyang anak na si Quia, na ng i-post niya sa social media ay agad nilait ng netizens ang naturang bata, ngunit ito naman ay dinepensahan ng aktres mula sa mga bashers.

Dolphy Quizon at anak nitong si Nicole

Taong 1990 ng in-adopt ng Comedy King na si Doplhy Quizon si Nicole Quizon, kung saan ay sanggol pa nga lamang ito ng kupkupin niya ito, mula sa mag-asawang naghihikahos sa buhay.
Sa pagpapalaki kay Nicole, ay naging kaagapay ng yumao ng Comedy King, ang kanyang naging common-law partner na si Zsa Zsa Padilla.

Lumalabas naman na sa 18-anak ni Comedy King, ay nag-iisa lamang si Nicole na legitimate child nito.

Bagama’t hindi pumasok si Nicole Quizon sa industriya ng showbiz, kung saan kilala ang kanyang kinalakihang ama at ina, ay naging malapit pa rin ang dalaga sa mga kapatid niya, kagaya na lamang ng pagiging malapit nito kay Karylle Tatlonghari (anak ni Zsa sa sa una nitong asawa na si Dr. Modesto Tatlonghari) at kay Quia Quizon (anak naman ni Zsa Zsa sa yumao ng Comedy King na si Dolphy.)

Mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan

Ipinakilala ng mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan sa publiko ang kanilang adopted son na si Miguel na legally ay Cuneta-Pangilinan na noong taong 2012, kung saan ay isa ngang malaking birthday celebration ang naganap sa naging kaarawan nito at pagpapakilala sa lahat.
Talaga namang bonggahan ang mga ninong at ninang ni Miguel, dahil karamiha dito ay nasa showbiz, kagaya na nga lamang nina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Ciara Sotto at mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao.

Aiai Delas Alas

Isa nga naman sa mga komedyanteng aktres sa showbiz na mayroong malaking puso ay si Aiai Delas Alas.
Taong 2011, ay kinupkop ni Aiai ang isang baby boy na nagngangalang Seth Andre, kung saan para sa actress-comedienne ay ‘answered prayer’ ang sanggol sa kanyang buhay matapos ngang mamatay ng dalawang anak niya, na mga in-adopt niya din.

Zeinab Harake at Kanyang Adopted Son na si Lucas

Sa inilabas na vlog ng 22-taong gulang na Youtuber na si Zeinab noong buwan ng Setyembre taong 2020 ay ibinahagi niya ang pagiging proud mommy niya sa kanyang adopted son na si Lucas. Nag-kuwento rin siya ng ilang mga detalye patungkol sa kanyang anak.
“And my adopted child ako, sa mga wala pang totally nakakaalam info about sa akin. Si Lucas, ‘yun ‘yung adopted child ko. Sa papers and everything sa akin nakapangalan. So, ako po yung mother niya talaga, so na kay mama lang siya kasi ‘yung mama ko mag-isa sa Cavite gusto niya ng kasama”, saad ni Zeinab.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *