Sila ang Top 5 Milyonaryo na Anak ng Mga Sikat na Personalidad sa Showbiz

Ang mga kilala at sikat na personalidad sa showbiz ay talagang nagsumikap upang magkaroon ng maganda at marangyang pamumuhay. Na dahil sa kanilang sipag at tiyaga ay napakalaki ng nabago sa buhay nila upang maging milyonaryo. Kaya naman, ang kanilang mga anak ay namana rin taglay nilang kayamanan.

Kilalanin ang mga maswerteng anak ng sikat na personalidad sa showbiz na ipinanganak na instant milyonaryo.

1. Scarlet Snow Belo Kho

Napakaswerte naman talaga ng anak ng celebrity doctors na si Scarlet Snow Belo Kho na anak nina Hayden Kho at Dr. Vicki Belo dahil ipinanganak na itong instant milyonaryo. Si Scarlet ang isa sa pinakasikat na batang anak ng celebrity sa showbiz.

Ang ina niya na si Dr. Vicki Belo ay magmamay-ari ng Belo Medical Group. At kumikita taon-taon ng estimated P300 Million. Wala ngang duda na napakapalad ng kanilang anak na si Scarlet na mamanahin ito balang-araw.

2. Kramer Kids

Ang magkakapatid na Kramer na sina Kendra, Scarlett at Gavin ay napakapalad ring maging millionaire kids. Ang kanilang mga magulang na sina Doug Kramer at Cheska Garcia ay nagsimula sa simpleng pamumuhay at nangungupahan lamang.

Si Doug ay dating PBA player habang si Cheska ay isang modelo at aktres. Ngunit, nang ikasal ay bumubos na ang biyaya sa kanilang buhay. Nagsimula sa iba’t ibang endorsement, at may family vlog na rin sila. Makikita na nga ngayon ang masagana at marangya nilang pamumuhay kung saan kumikita ng P250 Million kada taon.

3. Cruz Kids

Sa murang edad ay milyonaryo na rin ang mga anak ni Joel Cruz. Si Joel ay kilala bilang may-ari ng pabangong “Aficionado” sa Pilipinas. At dahil kasapi siya ng LGBT, ay nagkaroon ng pitong anak si Joel sa pamamagitan ng surrogacy. May nakakalula namang networth na P1.6 Billion si Joel kaya naman kayang-kaya niya ang magkaroon ng surrogacy baby na nagkakahalaga ng P6-12 Million kada isa.

Ang kanyang mga anak nga ang kasama niya sa buhay, at ang mga ito rin ang magpapatuloy ng kanyang mga negosyo.

4. Rivera-Dantes Kids

Ang anak naman nina Kapuso Primetime Queen and King na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na sina Zia at Ziggy ay napakaswerte ring mapabilang sa listahan ng mga batang instant milyonaryo. Hindi naman maikakaila ang taglay na kasikatan nina Marian at Dingdong sa industriya ng showbiz sa bansa. Ang networth nga nilang mag-asawa at umaabot ng P300 Million.

Dahil dito, ay may sariling bank accounts at ipon narin ang kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy.

5.Pacquiao Kids

Hindi naman maikakaila ang taglay na kayamanan ng pamilya Pacquiao. Dahil nga sa pagpupursige sa loob ng ring bilang mahusay na boksingero, ay nabigyan ng maayos at marangyang ang kanyang pamilya ng tinaguriang Pambansang Kamao at isa ring Senador na si Manny Pacquiao.

Sa dami nga ng mga ari-arian magmula sa mansyon, private resort, yate, private plain at maraming iba ay masasabi na panghabang huhay na ang kanilang kayamanan. Kaya naman, napakapalad ng kanyang mga anak na sina Jimuel, Emanuel, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth at Israel dahil ang lahat ng ito’y sila ang magmamana balang-araw. Ngunit, sa kabila ng marangyang pamumuhay, ay naturuan naman ng mabuting asal ang mga anak ni Manny na talaga namang mapagkumbaba at may mabubuting puso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *