Sila ang mga Sikat na Celebrities sa Showbiz na Nagtapos ng Cum Laude sa Kanilang Napiling Kurso

Maliban sa pagiging sikat na mga personalidad sa showbiz, ay taglay rin nila ang kahanga-hangang katalinuhan na kung saan ay nakapagtapos sa pag-aaral na may latin honors na Summa Cum Laude at Magna Cum Laude, at Cum Laude.

1. Shamcey Supsup-Lee

Ang beauty queen na si Shamcey Supsup-Lee na nagwaging Miss Universe Philippines noong 2011 ay talaga namang beauty and brain. Si Shamcey ay kumuha ng Architecture degree sa University of the Philippines Diliman kung saan nagtapos siya bilang Magna Cum Laude.

Noong nag-aaral siya sa elementarya ay valedictorian na siya, at pagtuntong ng highschool, ay salutatorian naman siya. Ipinamalas rin ni Shamcey ang taglay na katalinuhan matapos manguna sa Philippines Licensure Examination para sa mga architects noong June 2010 na may board rating na 86.60%.

2. Carla Abellana

Ang napakagandang aktres na si Carla Abellana naman ay nagtapos na Cum Laude sa De La Salle University sa kursong Bachelor of Arts.

3. Richard Juan

Nagtapos rin ng Cum Laude ang dating PBB housemate na si Richard Juan sa Degree in Broadcast Communication sa University of the Philippines Diliman.

4. Giselle Sanchez

Ang aktres na si Giselle Sanchez ay nakapagtapos sa University of the Philippines bilang Magna Cum Laude sa degree na Broadcast Communication.

5. Venus Raj

Ang beauty queen na si Venus Raj ay nagtapos naman ng may Latin Honor na Cum Laude sa Bicol University sa Legaspi City ng may bachelor’s degree in Communication Arts Major in Journalism.

6. Myrtle Sarrosa

Ang Pinoy Big Brother Teen Edition 4 Winner na si Myrtle Sarrosa, ay nagtapos bilang Cum Laude sa UP College of Mass Communication na may degree na BA in Broadcast Communication.

7. Cristine Bersola

Ang news anchor na si Cristine Bersola naman ay sa University of the Philippines nagtapos ng bachelor’s degree in Film-Audio Visual Communication bilang cum laude.

8. Melanie Marquez

Ang dating Miss International na si Melanie Marquez ay nagtapos bilang Cum Laude sa kursong Business Administration sa International Academy of Management and Economics.(IAME).

9. Benjamin Alvez

Ang Kapuso star na si Benjamin Alvez ay Summa Cum Laude naman sa University of Guam sa degree na English Literature.

10. Carol Banawa

Nagtapos naman ang singer na si Carol Banawa sa isang nursing school sa United States bilang Summa Cum Laude.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *