Sila ang mga Sikat na Aktres sa Industriya ng Showbiz na Taglay ang Napakagandang Mukha Kahit Walang Bahid ng Make up

Maganda at maamong mukha, ito nga ang puhunan ng mga sikat na artista sa industriya ng showbiz na talaga namang hinahangaan ng marami. Sa tulong naman ng paglalagay ng make up sa kanilang mukha ay mas lalo naman silang gumaganda. Ngunit, may mga sikat na aktres naman sa industriya ng showbiz na taglay na ang napakagandang mukha kahit walang bahid ng make up.

1. Maja Salvador

Bukod tangi naman talaga ang kagandahan ng aktres na si Maja Salvador may make up man o wala. Ang kanyang napakagandang mukha ay talagang hinahangaan ng marami samahan nga ito ng husay niya sa pag-arte.

2. Kathryn Bernardo

Ang 25 taong gulang na aktres na si Kathryn Bernardo ay taglay rin ang napakagandang mukha. Bukod sa napakaganda ay napakahusay rin niyang umarte. Wala itong duda sa dami ng kanyang mga proyektong ginawa.

3. Andrea Brillantes

Proud rin ang aktres na si Andrea Brillantes sa kanyang mukha kahit walang make up.

4. Yassi Pressman

Marami rin ang humahanga sa maganda at maamong mukha ng Filipina-British model, actress, television personality, singer at dancer na si Yassi Pressman kahit walang bahid ng make up ang kanyang mukha.

5. Erich Gonzales

Natural rin ang angking kagandahan ng aktres na si Erich Gonzales kahit walang make up ang kanyang mukha. Si Erich ay tubong Cebu City at unang nakilala ng publiko sa reality talent search na Star Circle Quest.

6. Bela Padilla

Looking fresh rin ang 30 taong gulang na aktres na si Bela Padilla kahit walang make up na talaga namang hindi nakakasawang pagmasdan ang mukha.

7. Elise Joson

Napakaamo naman ng mukha ng aktres na si Elise Joson. Masisilayan nga sa kanyang mukha na kahit walang make up ay sadyang napakaganda.

8. Julia Barretto

Ang aktres na si Julia Barretto ay proud rin sa kanyang maganda at makinis na mukha na kahit walang make up ay masisilayan pa rin ang taglay niyang kagandahan.

9. Jane De Leon

Kasama rin sa listahan ang napakagandang aktres na si Jane de Leon na hindi na kailangang gumamit ng make up para gumanda.

10. Barbie Imperial

Kahanga-hanga rin ang natural na ganda ng aktres na si Barbie Imperial na talaga namang napakaganda at napakakinis ng mukha kahit walang make up.

11. Kim Chiu

Ang Chinita Princess na si Kim Chiu ay hindi naman maikakaila na sadyang napakaganda at natural ang kagandahan kahit walang bahid ng make up ang mukha.

12. Liza Soberano

Sino nga ba ang hindi hahanga sa mala-dyosang kagandahan ng aktres na si Liza Soberano? Ang kanyang maamo at makinis na mukha ay napakaganda kahit walang make up.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *