Connect with us

Entertainment

Palitan ng Mensahe ng isang OFW at ng kanyang Amo, Kinagiliwan ng mga Netizens

Ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay hindi madali para sa ating mga OFW, dahil tinitiis nila ang kalungkutan para lamang kumita para sa kanilang pamilya. Anuman ang pangungulila na kanilang pinagdadaanan ay hindi na mahalaga sa kanila, dahil ang tanging importante na lamang sa kanila ay may maipadala sila sa kanilang pamilya sa Pilipinas.

Ngunit hindi pare-pareho ang kapalaran ng ating mga OFW sa ibang bansa. Ang iba sa kanila ay nakakaranas ng pananakit, meron din namang iba na maswerte sa kanilang mga amo.

Kagaya na lamang ng isa nating kababayan na isang OFW sa Malaysia, siya ay si Valleryn Caranza Landong. Ibinahagi niya sa kanyang facebook account ang nakakaaliw at nakakatuwa nilang pag-uusap nila ng kanyang amo. Maraming mga netizens ang natawa ng sobra dahil sa naging pag-uusap ni Valleryn at ng kanyang amo. Ang kanilang naging pag-uusap kasi ay ginamitan ng salitang Ingles kung saan nakakamangha naiintindihan pa rin ito ni Valleryn ang mga inuutos sa kanya ng kanyang amo sa kabila ng hindi maayos na pag-iingles ng kanyang among babae.

Kaya naman marami ang humalakhak sa kanilang naging pag-uusap. Dahil kahit sobrang labo man intindihin nakuha pa rin ni Valleryn na ang gustong ipaluto ng kanyang amo ay ang magluto siya ng beef, magprito ng gulay at kanin na may itlog. Sinabi rin ng kanyang amo na pinapaalam niya kay Valleryn na hindi siya makakauwi kaya ang amo na lamang niya lalaki ang makakain ng marami kapag siya ay magluluto. Nakakatuwa rin ang pagsabi ng “please” at “thank you” ng kanyang amo, na tila ay mabait ito sa kanya.

Kahit hindi kagalingan sa pag-iingles ang kanyang amo ay pinilit pa rin itong intindihin ni Valleryn upang magawa niya lamang ang ipinapagawa sa kanya. Tila nakatagpo si Valleryn ng mabait na amo dahil marunong itong makiusap ng maayos at higit sa lahat ay ang magpasalamat. Sa panahon kasi ngayon, marami ding mga OFW ang nakararanas ng pang-aabuso ng kanilang mga amo kaya maswerte pa rin si Valleryn na hindi siya isa sa mga iyon.

error: Content is protected !!