Connect with us

Stories

Netizen na Tindera, Estudyante, Taga Alaga ng Pamangkin sa Umaga, at Panda Girl naman sa Hapon, Naging Inspirasyon sa Social Media

Pagdating naman talaga sa kasipagan at diskarte, ay hindi papahuli riyan ang mga kababaihan. Katulad na lamang nga ng isang babae na umani ng papuri mula sa mga netizens. Marahil, iniisip ng iba na may mga bagay na tanging mga kalalakihan lamang ang makakagawa. Ngunit, ang babaeng ito ay isang patunay na hindi basehan ang kasarian pagdating sa kasipagan at diskarte.

Sa isang Facebook post, ay ibinahagi ng nagngangalang Andrea Kate Mendoza ang kanyang karanasan kung pano niya harapin ang mga hamon ng buhay ngayong pandemya. At kung paano niyang pinahanga ang mga netizens sa kanyang kasipagan sa kabila ng pagiging isang babae.

Pagbabahagi nga ni Andrea Kate ay marami niyang pinagkakaabalahan. Magtitinda, mag-aalaga ng pamangkin, may online class sa umaga at isa namang Panda Girl sa hapon. At ang lahat ng ito ay ginagawa ng 21 taong gulang ng 2nd year college na si Andrea habang nag-aaral ng kursong BSCE sa Technological Institute of the Philippines.

“Magtitinda, mag-aalaga ng pamangkin, at online class sa umaga, PandaGirl sa hapon. Im 21 years old po. 2nd year college at Technological Institute of the Philippines, course of BSCE (Bachelor of Science in Civil Engineering)”

Kwento ni Andrea, ay last year pa siya nagsimulang magtrabaho bilang food panda rider. Naisipan niyang maging rider dahil sa nararanasang pandemya sa bansa, kung saan ay nais niyang makatulong sa kanyang mga magulang na mabayaran ang kanyang tuitio fee.

“Last year, November lang po ako nag start mag food panda po. Naisipan ko po mag food panda sa kadahilanan para makatulong rin po ako sa mga magulang ko pambayad ng tuition dahil nga po pandemic marami na rin po ang nagbago at nawalan ng trabaho.”

Sa kabila ng hirap na nararanasan, ay malaki naman ang pagtitiwala ni Andrea sa Diyos. At naniniwala nga ang dalaga, na ito ang kanyang provider na hindi siya pinapabayaan sa bawat biyahe na kanyang nilalakbay.

“Naniniwala po ako na DIYOS AY BUHAY SIYA PROVIDER KO NA HINDI AKO PABABAYAAN. ORDER NA KAYO SA FOOD PANDA”

Hindi naman talaga makakaila ang kasipagan ni Andrea para makatulong sa pamilya. Ngunit ang higit na kahanga-hanga sa dalaga, ay hindi niya ikinakahiya ang trabahong pinasok niya, kahit pa sabihin ma ito’y trabaho para sa isang lalaki.

“Sila: buti hindi ka nahihiya kasi ang bata mo pa tapos babae ka nag fofood panda ka?
Me: HINDI PO. Marangal naman po trabaho ko bakit po ako mahihiya.”

error: Content is protected !!